「ドラゴンは、人々がそれをただのヤモリと見なす時代に倒れる。」
“Ang dragon ay babagsak sa panahon ang mga tao ay tinuring na itong isa butike.”
Ramdam ng lahat ang tensyon sa hardcourt!
Nagkatitigan, nagkakainan ng tingin, nagkakahiyaan ng layup—ito ang laro ng Taytay Flying Pigeons laban sa atin, ang walang takot, walang pawis (kasi nag-deodorant) na Cobradog Kyokushinryu!
Simula pa lang, parang palengke ang court—may sigawan, may tawanan, may fishball sa gilid. Ang Pigeons, lumilipad sa shooting. Tayo? Parang may jetlag. 1st quarter, tambak tayo ng 15. Pero sabi nga nila, “Hindi mahalaga kung paano ka nagsimula, kundi kung paano ka magwawalis—este, magwawakas!”
2nd quarter: pumasok si Kapitan Bankai, tirang reverse na parang sumayaw sa alon ng Pasig River!
3rd quarter: sumali si Boy Pectus, nagka-and-1 kahit nakapikit!
4th quarter: 3 seconds na lang, tabla ang score. Lahat humihinga ng sabay… parang choir.
At doon, sa dulo ng laban, tumalon si Pinoystyle Spaghetti—baliw sa tirang likod ng ulo, may ketchup sa siko—BUZZERBEATER! SWAK SA RING! Panalo ang Cobradog Kyokushinryu!
Mga ka-team, hindi ito ang katapusan.
Ito ang simula ng ating pagbabalik, ng ating paghiganti sa fishball vendor na nagsabing talo tayo.
Mas lalo pa nating pagbubutihan—dahil ang totoong champion, marunong tumawa, kahit may cramps.
Tandaan: Hindi tayo butike.
Tayo ang DRAGON na bumangon.
🔥🐉
Kyokushinryu, laban lang!