may mga priorities kasi ako aside from this kaya d pa ako pwede makagastos ngayon for supporter. Noong U21 manager pa ako, marami rin akong mga managers na kinausap at willing sila itrain ang kanilang players for NT. Kita mo naman yung results ng iba db? Marami rin baguhan nag mail sa akin noon para maghingi ng advices for their new team, and binibigay ko is magtrain ng mga players for NT at marami naman din pumapayag.
I agree na mas maganda talaga may pacontest tayo para magkainterest ang mga players dito, yun ang realidad ngayon para maengganyo magtrain at maging parte ng NT ang ibang managers. Kung nagpacontest ako ngayon, magkaroon ng interest ang marami db? Pero after ng term ko at ung next na uupo ay ayaw magpacontest? Mawawala bigla ang interest nila. Mabuti na yung kukunin natin sila sa pakiusap at kesa sa mapilitan lang sila magtrain ng players at malamang masisira ung mga plano nila if wala na silang benefits na makukuha.
Pero kung may magsponsor, why not? Maganda yung ganoon pero isipin na lang natin after ng pacontest na un. D man tayo gaya ng ibang bansa na mayroon talagang programa, kasi ganoon sila kasupportive sa kanilang country, ang magagawa ko lang ngayon is patuloy na pakiusapan ang mga managers na itrain pa ang players for NT purposes, sa katunayan nga eh mas nagrereply pa ang managers sa ibang bansa kesa sa atin. So ang goal ko to gain more interest is to win the Asian Championship, if not at least makasilver trophy lang tayo ok na yun.