BuzzerBeater Forums

BB Philippines > National Team Debate Thread

National Team Debate Thread (thread closed)

Set priority
Show messages by
This Post:
00
237346.21 in reply to 237346.20
Date: 3/7/2013 1:48:33 PM
Overall Posts Rated:
1313
Alam mo pre...hindi maiaalis na may mga taong tulad mo na malamya at sanay sa plastikan na usapan....kung mahina loob mo at naaapektuhan ka na agad....nagbabasa ka pa lang.....ang payo ko sa yo....huwag ka magbasa. at kahit kailan sana huwag mo na ring balakin na maging manager ng National team.....kasi baka umiyak ka lang at hindi makatulog.....para lang to sa mga taong determinado, buo ang loob at may sariling paninindigan.....ang mga taong ganito na hindi naaapektuhan ng deretshahang pagpuna at pagbatikos...ang kailangan namin maging manager.....may taglay silang katangian na kahanga hanga.

tatandaan ko pangalan mo chorizo...huwag ka tatakbo kahit kailan.

This Post:
00
237346.22 in reply to 237346.19
Date: 3/7/2013 2:11:50 PM
Overall Posts Rated:
1313
pag sinabi mong hindi mo magagawa yun? anong ibig mong sabihin? wala kang pera? o ayaw mo gumastos para ma enganyo ang ibang player? o hindi ka naniniwala na kailangan mo mamigay ng supporter sa contest para magkainteres ang ibang player? eh kung ayaw mo mamigay ng supporter sa contest....anong balak mong gawin para nga magkainteres sila?

Mas maganda sana...kung may pera ang NT manager at kayang gumastos para sa promotion ng NT....Ang pagbibigay ng supporter ay isang paraan na epektibo para magkainteres ang iba.....pati sana yung staff nya na nagbibigay oras na tulungan sya...bigyan nya ng supporter. pero pwede rin siguro na maraming kaibigan ang NT manager na kaya nyang kumbinsihin na mag sponsor....pero kung yung NT manager mismo ayaw gumastos....paano mo kukumbinsihin ang sponsor na sila maglabas ng pera?

kung walang pera pati mga kaibigan na pwede mag sponsor...wala ang tumatakbong NT manager...malamang wala tayong makikitang pagbabago....magdadahilan na naman na kokonti ang may interes sa NT o U21.

This Post:
00
237346.23 in reply to 237346.22
Date: 3/7/2013 7:47:57 PM
Overall Posts Rated:
153153
may mga priorities kasi ako aside from this kaya d pa ako pwede makagastos ngayon for supporter. Noong U21 manager pa ako, marami rin akong mga managers na kinausap at willing sila itrain ang kanilang players for NT. Kita mo naman yung results ng iba db? Marami rin baguhan nag mail sa akin noon para maghingi ng advices for their new team, and binibigay ko is magtrain ng mga players for NT at marami naman din pumapayag.

I agree na mas maganda talaga may pacontest tayo para magkainterest ang mga players dito, yun ang realidad ngayon para maengganyo magtrain at maging parte ng NT ang ibang managers. Kung nagpacontest ako ngayon, magkaroon ng interest ang marami db? Pero after ng term ko at ung next na uupo ay ayaw magpacontest? Mawawala bigla ang interest nila. Mabuti na yung kukunin natin sila sa pakiusap at kesa sa mapilitan lang sila magtrain ng players at malamang masisira ung mga plano nila if wala na silang benefits na makukuha.

Pero kung may magsponsor, why not? Maganda yung ganoon pero isipin na lang natin after ng pacontest na un. D man tayo gaya ng ibang bansa na mayroon talagang programa, kasi ganoon sila kasupportive sa kanilang country, ang magagawa ko lang ngayon is patuloy na pakiusapan ang mga managers na itrain pa ang players for NT purposes, sa katunayan nga eh mas nagrereply pa ang managers sa ibang bansa kesa sa atin. So ang goal ko to gain more interest is to win the Asian Championship, if not at least makasilver trophy lang tayo ok na yun.

This Post:
00
237346.24 in reply to 237346.23
Date: 3/7/2013 11:52:56 PM
Overall Posts Rated:
1313
Ganito sana ang mga nagbabalak tumakbo ng NT manager. Mag manager muna sa U21...para may continuation...ano mang pinaghirapan nya sa U21.....magagamit nya sa NT. Lahat naman nakakaintindi ng laro.....tactics o strategy....scouting o monitoring....pero yung experience...malaking factor.

Buti rin maging honest sa simula....inamin nya na hindi sya magpa contest....na hindi nya to gagastusan....kung may mag sponsor.....siguro meron.....kahit papaano....yung boboto hindi aasa. ano mang pagka intindi nito....iba man sa pagkaintindi natin...ang mahalaga sinagot nya na.

Sana lang...hindi mo iniisip agad na hindi gagawin ng iba yung mga sisimulan mo kung manalo ka. para ka na ring nag alala sa mga bagay na hindi naman sigurado mangyayari. para kasing ginamit mong dahilan...na walang saysay ang magpa contest dahil baka hindi rin gawin ng susunod sa yo....

Lamang tong isang to sa ibang tumatakbo dahil sa experience nya....pero nagbabago naman ang panahon.....umaalis o tumitigil din sa paglaro ang ilan.....maghintay hintay na lang ang iba......pana- panahon lang.....

oi taxman...at yung isa pa na nangangarap maging manager mula sa wala.....buhay pa ba kayo?

This Post:
00
237346.25 in reply to 237346.14
Date: 3/8/2013 3:09:29 AM
Overall Posts Rated:
1212
wala talagang balak sir, pampalipas lang ng oras ito... Wish you all Good luck then!

This Post:
00
237346.26 in reply to 237346.13
Date: 3/8/2013 3:59:08 AM
Overall Posts Rated:
127127
hahaha..ganun ba markang bungo?
mamarkahan mo na naman ba ako ulit?
wala akong magawa kay pinagkatiwalaan ako ulit ng mga kasamahan natin nung tumakbo ka bilang NT manager.
kung may galit ka sa akin pasensya na po.
salamat nga pala sa pagcritics mo naging makulay ang pagmamanage ko dahil sa mga critics mo.hehehe
kung tatakbo ka sana manalo ka, ipagpray ko yan.hehehehe

@lolosmithz: oo may problema ang system ng U21 at NT kahit nung time na ako angNT at si cezz sa U21 hindi kami mxadong nagkakausap regarding sa future plan para sa NT kahit magkaklase, magkalugar at kaibigan ko siya sa personal.
may kanya kanya rin kasi kaming idea at interest, sana kung kayong dalawa ang maging magkapartner sana mabago ang mga yun..

This Post:
00
237346.27 in reply to 237346.1
Date: 3/10/2013 10:08:46 AM
Overall Posts Rated:
1414
Question:

Willing ka bang i-drop yung aging players ng NT (7 who are 30+) in favor of up-and-coming prospects kahit may skills difference?

IMHO, iba rin kasi pag nabigyan ng spot sa NT ang isang prospect na maganda na ang skills at trainable pa para ba di stagnant ang development. Iba rin kasi pag ang isang prospect ay nabigyan ng spot para bang di sayang ang training.

At isa pa palang mungkahi to whoever wins:

Sana yung next management magkaroon ng paraan para gustuhin ng tao na manood at suportahan ang NT. Yung previous seasons, ni-announcements na may game, wala. Lalong-lalo na di fixed ang sked ng NT kaya importante kahit papano may announcement. If ever meron man, napaka-rare at di visible. Previews and recaps would certainly help. The only time lang na naging relevant ang NT the past seasons is due to a controversy which reflects badly on the NT and the continued descent in the rankings adds to the misery. Yun lang naman.

This Post:
00
237346.28 in reply to 237346.27
Date: 3/10/2013 12:22:49 PM
Overall Posts Rated:
153153
Willing ka bang i-drop yung aging players ng NT (7 who are 30+) in favor of up-and-coming prospects kahit may skills difference?


Willing ako magdrop ng mga 30+ lalo na mga 33+ na players but not all, there's still some space for young and old bloods for the team. Like yung program na ginawa ng past NT manager na nagrecruit ng 22-23 yo na players, still magagawa ko pa rin yun if ever manalo ako. I'll do my very best na gagawa ng recaps sa mga NT game, win or lose man sa laro since most of the time sa computer lang ako nakaharap kahit sa trabaho..

This Post:
00
237346.29 in reply to 237346.28
Date: 3/10/2013 9:55:56 PM
Overall Posts Rated:
127127
mukhang ikaw lng ata ang active sa nagrun ngaun cezz aa..unlike dati ang ingay at makulay mxado ng debate.hehehe
sa mga tumkabo wag n po kayo mahiya gusto po namin mabasa ang sa loobin niyo..

This Post:
00
237346.30 in reply to 237346.28
Date: 3/10/2013 10:40:50 PM
Overall Posts Rated:
1313
Eto na naman tong cess....nagsasabi ng ill do my very best na gagawa ng recap.....last season nyan sa U21.....hindi halos makagawa ng recap yan......nadadahilan na busy raw sya at sorry daw talaga......wala ring balak magbigay ng incentive yan....tulad ng contest...para i promote ang NT games.....kaya walang bagong mangyayari dito....yun pa rin gagawin nya...at yun pa rin reklamo nila na kokonti ang may interes....eh responsibility nga ng manager na i promote at gumawa ng paraan para dumami magkainteres. swerte lang tong cess sobrang pangit ang performance ng manager na susundan nya kaya hindi pwede isisi sa kanya kung walang masyadong improvement agad.

This Post:
11
237346.31 in reply to 237346.30
Date: 3/10/2013 11:35:57 PM
Overall Posts Rated:
88
ang election, kasama ang paninira,

naghahanap lng tau ng very competent na manager para ma improved ang nt natin. kung may galit ka , ipagsigawan mo na, pag natalo ka, talo ka tlga, . pero wala taung magagawa kung ndi man tumaas ang rank natin sa nt or u21. bakit mo ipipilit ang ayaw d ba? walang sisihan kaya ang vote mo mahalaga,. .

ikaw markang_bungo, alam ko puro ka lng salita. . . at magaling ka sa debate. kung mang sisisi ka ipa impeach mo, kung may kasama?,

ndi kailangan ng pera para mg improved ang nt. kailangan ng nt manager ang skill, talent and responsibility. saka chemistry..

ikaw markang_bungo, ano nmn daw maitotolong mo sa Pilipinas kung puro ka lng tanung, dat dat, at sisi.... tumulong ka at wag ka puro dat dat, nakakasira ka ng systema sa pilipinas.

pasenxa na, at para ndi ko mabasa at makita ang pagmarka mo sa akin, ndi ko babasahin ang thread na to, . . hahaha


Advertisement