THE NEW ERA BEGINS NOWPanibagong season, panibagong manager ng ating national team. Uunahin ko pa rin pasalamatan ang dating NT Manager natin na si Coach Mad-Rad
(55059) hindi ko kukunin sakanya sana ang pagiging NT manager pero nung tinanong na niya ako kung pwede ko siya palitan, pinagisipan ko muna at ayun andito na tayo.
Maraming salamat sa anim na boto na nakuha ko noong eleksyon, ngayon tratrabahuhin na natin na dikitan ang mga malalakas na bansa tulad ng Hong Kong at China. Hindi ito madaling project, laging effort ng buong community para palakasin ang NT natin. Marami na nagawa si Coach Mad-Rad para bigyan ako ng magandang pool ng mga players na pwede pagpipilian. Mahirap na pumili ng 12 na players para maglaro sa National Team natin pero ayun lahat ng desisyon naman ay may mabuting dahilan para maging competitive ang NT natin.
Ganito ang magiging mga laban natin sa una nating season:
Week 1: Bahamas (SC)
Week 2: Vietnam
Week 3: Japan
Week 4: China
Week 5: Iran
Week 6: Singapore
Week 7: UAE
Medjo magiging behind tayo sa enthusiasm sa simula pero mahahabol din natin yan. Umaasa din ako na sa mga players na napili ko para sa NT natin, sana maayos ayos ang GS natin.
Naghahanap din pala tayo ng mga potential trainers, ang mga gusto mag train ng mga big men message lang ako at tutulungan ko kayo para sure na makapasok ang mga bigs niyo sa NT.
Laban Pilipinas!