BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 70 & 71

Pilipinas U21 Season 70 & 71

Set priority
Show messages by
This Post:
33
329111.15 in reply to 329111.14
Date: 1/17/2026 3:41:33 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Alright, the World Cup Qualifier schedules are out:

January 19, 7:00 PM (Manila time) - Philippines U21 vs Belgium U21

This is our last chance to make the World Cup next season. A loss means we go to the Consolation Tournament.

Regarding the upcoming draft, the draftees will arrive as early as this Monday, a few hours after our WCQ game. Hoping that we get decent young studs to further bolster our National Teams.

18- and 19-year old rookies will be scouted first starting on Tuesday. Looking forward to communicating with you guys regarding your training plans. If you have no intentions to train, kindly sell your rookie/s as early as possible.

Good luck everyone at maraming salamat sa inyong suporta!

- Leo

This Post:
11
329111.16 in reply to 329111.15
Date: 1/19/2026 8:21:42 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Ok, let's get this straight, no articles this time. Sa kasamaang palad, bigo tayo laban sa Belgium U21, kaya Consolation Tournament tayo mapupunta kung saan no bearing ang mga games next season. We'll just be playing for pride there, and reach the furthest stage.

Oo, nakuha natin ang bronze trophy, pero hindi ito ang resulta na gusto natin, gusto natin World Cup. Kung meron man akong nakikitang rason kung bakit tayo natalo, ito ay ang tactics na ginamit ko sa larong ito. Dahil dyan, humihingi ako ng paumanhin sa mga managers na nagtiwala sa akin, at nagtrain ng kanilang players, at pati na rin sa ating Filipino community. More improvements to come on my side, tactics-wise, at hopefully, mas maging consistent na tayo sa WC in the future.

Now for the schedule. Bukas ko na sisimulan ang pagscout. Nabanggit ko na uunahin natin iscout ang mga 18- at 19-year old rookies, allstar and above potential. Expect a mail galing sa akin kung nakikitaan ko sila ng potensyal na mapabilang sa future U21 and/or squad/s natin. Target na matapos ito ng Miyerkules. Sunod naman ang mga non-rookies na sana ay matapos lahat bago ang scrimmage natin sa Lunes, next week

Ulitin natin, kung wala tayong planong magtrain ng rookies, mas mainam na ibenta natin ito this week. Huwag na patagalin pa. Mas matagal, mas bumababa ang value ng player. Sayang din ang mga linggong hindi sila natetrain. May mga managers tayong naghahanap ng rookies na itetrain; kasama na ako doon.

What's next? Ito ang goals ko para sa susunod na season:
1. Nabanggit ko na sa taas, makarating ang U21 team sa pinakamalayong mararating nito.

2. Plan ko magfocus sa mga incoming 19- at 20-year olds. Paghahanda ito sa susunod na cycle.

3. Iniisip kong maglagay na ng minimum skill requirements o guidelines para sa U21. Napapanahon na siguro ito para alam ng mga managers kung ano ang skillset ng player/s na kadalasang nakakapasok sa ating U21 team. We need more well-rounded players; players na may palag sa opensa (in terms of scoring or passing) at pati depensa. I still see a few players na scorer lang, mababa ang def, and vice versa.

Ayun, maraming salamat sa suporta. See you next season at good luck sa inyong league games. This Saturday po ang start ng bagong season, reminder sa lahat!

- Leo

This Post:
00
329111.17 in reply to 329111.16
Date: 1/22/2026 1:07:53 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Update lang ito sa scouting at sa mga pangyayari sa offseason:

1) Tingin ko namail ko na karamihan ng mga managers ng mga rookies na may allstar potential pataas at may chance na mapabilang sa ating U21/ Seniors team. Maraming salamat sa mga nagreply at nagpakita ng interes sa pagtetrain.

2) At sa mga hindi ko namail at tingin nyo may rookie/s kayo na maaaring makatulong sa ating National teams, message nyo ako dito sa BB kung interesado kayong magtrain.

3) Sunod na natin iscout ang mga non-rookies, simula sa mga 19 year olds, at pataas. Hopefully matapos natin ito bago ang scrimmage sa Lunes.

4) Speaking of scrimmage, makakalaban natin ang Greece U21 sa Lunes, 26th January, madaling araw, 12:30am. Unang sabak ito ng mga 21 y/o na U21 prospects natin.

Ayun lang muna, medyo busy tayo hanggang weekends, kaya pasensya na sa iba kung may delay/s sa replies.

Simula na sa Sabado ang new season, kaya good luck sa inyong league games.

Best regards,
Leo

This Post:
00
329111.18 in reply to 329111.16
Date: 1/25/2026 6:36:20 PM
Ribonucleic Acid
PPL
Overall Posts Rated:
55
Second Team:
Celestial Wrath
Are you using too much gimmicky offenses?

Tingnan mo China or HK. Puro Motion, Rng, Look inside. Proven na. Pansin ko sayo, pag big games, kakaibang tactics palagi. Wala naman mang hula ng opensa sa big games. May napanood ako na video na sinasabi na hindi equal ang mga opensa. May mga mas magaganda talaga kumpara sa iba.

Tapos yung best big man na 20yo pa lang U21 player na eh di mo ginamit. Sayang kasi. More than 1 year pag train ng player. Tapos di magamit. Iniisip ko kelan ako magka U21 ulit at mukhang matagalan pa. I assume you'll be playing 20yos this season. Kawawa din naman owners nung 21yo na hindi makalaro na matagal din na train.

Edit: Not just opensa pala. Pati depensa. Tiningnan ko history at puro box and one defense pag big games. Unconventional offense. Patient, Princeton, etc. Tapos puro talo. Ganun ba siya ka effective? Sayang kasi HK has 100 less users than us pero ang lakas nila kahit last season sa worlds.

Last edited by JSmoove at 1/25/2026 8:28:36 PM

This Post:
00
329111.19 in reply to 329111.18
Date: 1/25/2026 11:54:57 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Yes, I admit gumagamit ako minsan ng mga kakaibang offense/defense to throw other teams off at iwas sa possible GDP. But after your observations, I would agree that most of the time di siya effective sa U21. The Belgium and China games were the evidences of that. Wrong choice of tactics vs Belgium dahil sa possible GDP, pero sabi mo nga, walang nanghuhula sa big games. Sa China game, reluctance to use 3-2 or man to man due to matchups. Tama ka boss, tingin ko yun yung kailangan ko baguhin in terms of choosing tactics. Maraming salamat sa iyong observation.

The current pool is full of 21 y/o players, and I don't think a 20 y/o will break the roster base sa aking scouting, pero may mga instances na may 20 y/olds tayo na deserve makapasok sa U21 kahit 20 y/o lang sila. Take Season 69 as example, the World Cup season. Our 21 y/o bigs lack inside scorers, but we have 2 20 y/o who are slightly better than our 21 y/olds: sila Feliciano Gaitano at Bill Guerrero, credits to their owners for training them. They got good minutes that season.

Last season, we had a 20 y/o big guy added to the team. We lack these type of players that season and skills-wise, he really deserves the spot. Alam kong magagamit ko siya sa ibang laro, pero may mga instances na di sila magagamit, lalo na sa inside attack. Pero kung outside o balanced attack, I'd love to have someone like him to anchor our defense behind 3-2 zone. Sa ngayon, ang trend sa mga top teams sa BB ay ang paggamit ng 3-2 zone na may kasamang shotblocking big/s. Napapatumba nito kahit ang inside offenses ng kalaban. Hong Kong U21 is doing this currently (lagi silang naka 3-2 zone kung mapapansin nyo), hence the preference to add 2 or 3 players of this kind, and probably in the future iterations of our U21 team. Gladly we have managers who are willing to train such players. Thank you very much!

TLDR rgdg 20-year-olds, if a player deserves a spot, skills-wise, and they fit the roster needs, he'll get the spot regardless of age. Para sa mga nagtetrain, I might not say it everytime, but I really appreciate everyone's efforts in training, pero isipin natin na laging may competition para sa mga spots. Meron at meron talagang player/s na mas magaling kaysa sa player/s na tinetrain natin. Kaya kung gusto natin talaga magkaroon ng player na makakapasok sa U21, let's help each other and look for ways to improve further. I'm always here to help, imail nyo lang ako o ang mga veterans.

Again, I appreciate your comments boss JSmoove, and also for training our best PG last season, si Abelardo Baluyot, who broke assists records sa ating U21 team.

And if anyone has suggestions, please post them here. I'd appreciate it.

BR,
Leo

This Post:
11
329111.20 in reply to 329111.19
Date: 2/2/2026 8:52:29 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Macau U21 63 Philippines U21 127 (83315)

Strong showing para sa mga bata natin, na pinangunahan ni Claro Cui na may 31 points, 11 rebounds at 4 assists. Samantalang sila Sam Jones, Sol Ybañez at Romeo Puno ay umiskor ng mahigit 20 puntos bawat isa.

Points: C. Cui 31, S. Jones 28, S. Ybañez 26
Rebounds: J. Pailden 17, C. Cui 11, S. Robel 9
Assists: J. Pailden 6, R. Puno 5, C. Cui 4, S. Ybañez 4, B. Gravoso 4

France U21 naman ang makakalaban natin sa susunod na linggo, February 10th, 2:30 AM (Manila time). Malaking test ito para sa ating U21 team kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

Marami pa tayong slots sa ating U21 team, kaya ipagpatuloy natin ang training, at alagaan ang game shape.

- Leo

This Post:
11
329111.21 in reply to 329111.20
Date: 2/9/2026 8:49:14 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 65 France U21 102 (83380)

Nabanggit natin last week na isa itong malaking pagsubok sa ating koponan ang larong ito kontra sa France U21, at yun nga ang nangyari. Nakipagsabayan tayo sa first half ngunit pagdating ng second half, naramdaman na ng ating koponan ang homecourt disadvantage at ang lakas ng kanilang mga bigmen, at sa huli hindi na tayo nakabawi.

Pinangunahan muli ni Claro Cui ang scoring para sa Pilipinas at nakapagtala siya ng 13 points, na may kasamang 10 rebounds. Ito ang pangalawang double-double ni Cui sa torneong ito. Sinundan ito nila Sondo Savella na may 13 points, at Liberato Banzon na may 11 points.

Si Jack Pailden naman ang naging sandigan ng Pilipinas pagdating sa depensa. Nakapagtala siya ng 14 rebounds, 3 steals at 6 blocks. Samantala, si Sam Jones naman ang pangunahing taga-timon para sa ating koponan. Sa kanyang unang start, nakapagtala siya ng 10 points at 7 assists.

Points: C. Cui 13, S. Savella 13, L. Banzon 11
Rebounds: J. Pailden 14, C. Cui 10, L. Banzon 9
Assists: S. Jones 7, C. Cui 3, S. Savella 2, J. Pailden 2, G. Negradas 2

Sa susunod na Lunes, February 16th, 6:30 PM (Manila time), Brasil U21 naman ang makakaharap natin at gaganapin ito sa ating homecourt. Masasabi kong evenly-matched ang mga koponan na magtutunggali kaya interesante ang laban na ito. Muli, ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
22
329111.22 in reply to 329111.21
Date: 2/16/2026 7:28:27 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Brasil U21 73 Philippines U21 101 (83422)

Maganda ang pinamalas ng ating koponan kontra sa Brasil U21 sa harap ng ating mga kababayan. Sa 2nd half, bumulusok ang Pilipinas U21 upang makuha ang kanilang ikalawang panalo sa torneo, 101-73.

Si Romeo Puno naman ang nanguna sa scoring para sa Pilipinas U21 sa larong ito. Nakapagtala agad siya ng 21 points sa 1st half, at tinapos ang laro na may 29 points at may dagdag na 3 steals. Sinundan ito nila Sam Jones na may 14 points, at si Allan Camilo Tiopes na may 12 points.

Maganda ang pinakita ng ating mga bataan, mapa-opensa o mapa-depensa. Lamang din tayo sa rebounds, assists at steals, salamat sa kontribusyon ng ating starting bigs: Jack Pailden at Geoffrey Negradas.

Points: R. Puno 29, S. Jones 14, A. C. Tiopes 12

Rebounds: J. Pailden 15, L. Banzon 11, G. Negradas 10

Assists: C. Cui 6, S. Jones 5, J. Pailden 4

Sa ika-24 ng Pebrero, 8:30 AM (oras sa Pilipinas), bibisitahin naman natin ang Panama U21 sa kanilang homecourt. Muli, ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
22
329111.23 in reply to 329111.22
Date: 2/24/2026 2:03:41 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 90 Panama U21 51 (83463)

First quarter pa lamang ay dinomina na ng Pilipinas U21 ang Panama U21 sa iskor na 30-7. Hindi na nila pinaporma ang kanilang kalaban at natapos ang laro sa iskor na 90-51. Ito na ang ikatlong panalo ng Pilipinas U21 sa torneong ito. Mayroon na silang 3-1 na kartada.

Kumamada ng 19 points si Sol Ybañez upang pangunahan ang ating koponan. Ginawa nya ito off the bench at sa loob lamang ng 16 minutes. Sinundan ito nila Sam Jones na may 16 points at Allan Camilo Tiopes na may 14 points.

Pinamalas naman nila Claro Cui at Jack Pailden ang kanilang husay sa rebounding at depensa. Nakapagtala si Cui ng 9 points, 18 rebounds at 3 steals. Sa kabilang banda, 8 blocks lang naman ang ginawa ni Pailden, at may dagdag na 14 rebounds.

Points: S. Ybañez 19, S. Jones 16, A. C. Tiopes 14

Rebounds: C. Cui 18, J. Pailden 14, G. Negradas 7

Assists: R. Puno 4, S. Jones 3, C. Cui 2, B. Gravoso 2

Japan U21 naman ang makakatunggali natin sa susunod na linggo, ika-2 ng Marso, 6:30 PM sa ating oras. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
11
329111.24 in reply to 329111.23
Date: 3/2/2026 9:39:39 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Japan U21 53 Philippines U21 99 (83485)

Pinakita ng Pilipinas U21 ang kanilang husay sa depensa nang kanilang limitahan ang Japan U21 sa 53 points.

Si Romeo Puno ang namuno sa pag-iskor para sa Pilipinas U21. Tumikada siya ng 26 points. Sinundan ito nila Gage Bowden na may 19 points, at Claro Cui na may 17 points. Nagdagdag din ng 10 rebounds si Cui upang makamit ang ikatlong double-double sa torneong ito.

Mapa-starter man o off the bench, epektibo pa rin si Jack Pailden sa paghakot ng mga rebounds. Sa larong ito, nakakuha siya ng 18 rebounds, samantalang nagposte naman si Sev Robel ng 14 rebounds, 4 assists, 3 steals at 2 blocks.

Points: R. Puno 26, G. Bowden 19, C. Cui 17

Rebounds: J. Pailden 18, S. Robel 14, C. Cui 10

Assists: G. Negradas 5, C. Cui 4, S. Robel 4

Sa susunod na linggo, bibisitahin ng Pilipinas U21 ang homecourt ng Czech U21 sa ika-10 ng Marso, 1:40 am sa oras ng Pilipinas. Masusubukan ng husto ang ating mga pambato sa larong ito, kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
22
329111.25 in reply to 329111.24
Date: 3/9/2026 8:45:56 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
331331
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 91 Czech U21 61 (83539)

Pinamalas ng bumibisitang Pilipinas U21 ang kanilang gilas nang makuha nila ang panalo kontra Czech U21, sa kanilang balwarte, 91-61.

Sa larong ito, si Allan Camilo Tiopes naman ang bumida sa scoring na may tangan na 15 points, off the bench. Nag-ambag naman ng tig-13 points sila Romeo Puno at Sam Jones, samantalang 10 points naman ang naibuslo ni Gage Bowden.

Muli namang pinakita nila Jack Pailden, Geoffrey Negradas, at Sev Robel ang kanilang husay sa depensa. Nakakuha silang tatlo ng 34 rebounds at 11 blocks. Malaki rin ang kanilang parte sa paglimita sa opensa ng Czech U21. Nagtala lamang ng 61 points ng Czech U21, na kanilang pinakamababang scoring output sa torneong ito.

Points: A. Tiopes 15, R. Puno 13, S. Jones 13

Rebounds: J. Pailden 16, S. Robel 11, G. Negradas 7

Assists: S. Jones 5, L. Banzon 4, S. Robel 4

Sa ika-16 ng Marso, 5:30 pm (oras sa Pilipinas), susubukan namang makopo ng Pilipinas U21 ang kanilang ika-anim na panalo kontra sa Kazakhstan U21 na bibisita sa Pilipinas. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

Advertisement