BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
44
331894.15 in reply to 331894.14
Date: 6/29/2026 9:06:37 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Iran U21 58 Philippines U21 98 (85141)

Sa unang laro natin sa Second Round, nagpasiklab agad ang ating mga bataan nang tambakan nila ng 40 points ang Iran U21, 98-58.

Si Claro Tubig naman ang nanguna sa scoring para sa ating koponan sa larong ito. 23 points ang kanyang binuhos sa loob lamang ng 24 minutes. Nagtala naman ng 15 points, 8 rebounds, 8 assists at 2 blocks si Carlito Debulgado bilang starting Point Guard ng team.

Off the bench, tig-11 points naman ang dinagdag nila Lister Pueda, at ang bagong player sa ating koponan na si Stan Sudario.

Nag-ambag naman ng 8 points at 18 rebounds si Gonzalo Genizera.

Points: C. Tubig 23, C. Debulgado 15, L. Pueda 11, S. Sudario 11

Rebounds: G. Genizera 18, G. Dulay 11, R. Briza 10

Assists: C. Debulgado 8, C. Tubig 4, I.P. Malamid 3

Indonesia U21 naman ang susunod na makakalaban ng ating U21 team sa ika-6 ng Hulyo, 7:00pm (PH time). Indonesia rin ang host sa torneong ito, kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati sa ang ating Seniors team!

- Leo

This Post:
55
331894.16 in reply to 331894.15
Date: 7/6/2026 9:22:29 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 109 Indonesia U21 75 (85145)

No homecourt, no problem para sa ating mga bataan nang talunin nila ang Indonesia U21 sa iskor na 109-75. Dahil sa panalong ito, 2-0 na ang kartada ng Pilipinas U21, kapareho ng Taiwan U21 at Thailand U21.

Nagtala ng game-high na 22 points si Lister Pueda, off the bench. Sa unang salang naman sa starting 5 ni Stan "The Man" Sudario, nakapagbuslo siya ng 17 points. Sinundan naman ito nila Claro Tubig at Ardan Cano na may tig-16 points.

Dinomina ng ating mga bigs ang rebounding, sa pangunguna ni Irvin Philippe Malamid na may 12 rebounds, at may karagdagang 5 assists at 2 blocks. Isang 14-point, 11-rebound double-double naman ang nakuha ni Gonzalo Genizera bilang ating starting power forward.

Nagtala naman ng 5 points, 8 rebounds at 7 assists ang pangunahin nating taga-timon na si Carlito Debulgado.

Points: L. Pueda 22, S. Sudario 17, C. Tubig 16, A. Cano 16

Rebounds: I.P. Malamid 12, G. Genizera 11, R. Cataniag 10

Assists: C. Debulgado 7, I.P. Malamid 5, P. Resuma 5

Sa ika-13 ng Hulyo, 7:00pm (PH time), Taiwan U21 naman ang ating makakalaban. Isa itong mabigat na laban kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati na rin sa ating Seniors team!

- Leo

This Post:
33
331894.17 in reply to 331894.16
Date: 7/13/2026 9:05:22 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 70 Taiwan U21 53 (85147)

Low-scoring game ang pinakita ng Taiwan U21 at Pilipinas U21. Parehong nagpakita ng pangil sa depensa ang dalawang koponan, ngunit sa huli, nanaig ang Pilipinas, 70-53, upang makuha ang 3-0 na kartada sa Second Round.

Si Claro Tubig ang nanguna sa scoring para sa ating koponan. Nagtala siya ng 17 points. Sa 3rd quarter, na-injure si Ardan Cano at hindi na nakabalik. Umiskor siya ng 11 points. Ang kanyang kapalit naman na si Stan Sudario ay nakapag-ambag ng 15 points.

Muntikan na mag-triple-double si Carlito Debulgado. 8 points, 11 rebounds at 11 assists lang naman ang kanyang kontribusyon sa laro. Sa depensa naman, maganda ang pinakita ni Russell Briza nang maglista siya ng 22 rebounds, 2 steals at 6 blocks, at dinagdagan nya rin ito ng 8 points.

Points: C. Tubig 17, S. Sudario 15, A. Cano 11

Rebounds: R. Briza 22, C. Debulgado 11, G. Dulay 9

Assists: C. Debulgado 11, C. Tubig 1, G. Dulay 1, R. Cataniag 1, P. Resuma 1

Thailand U21 ang makakalaban natin, at gaganapin ito next week, sa ika-20 ng Hulyo, 7:00pm (PH Time).
Tulad ng Pilipinas U21, 3-0 na rin ang record ng Thailand U21 matapos nilang maungusan ang Indonesia U21, 114-112. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati na rin sa ating Seniors team!

- Leo

This Post:
55
331894.18 in reply to 331894.17
Date: 7/20/2026 9:27:44 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Thailand U21 69 Philippines U21 119 (85149)

Madaling pinatumba ng ating koponan ang Thailand U21 sa iskor na 119-69. Dahil sa panalong ito, nasecure na ng Pilipinas U21 ang entry sa Semifinals at ang bronze medal. Gaganapin ang Semis sa ika-31 ng Hulyo.

Normal day in the office para kay Claro Tubig nang magtala siya ng 23 points. 19 points naman ang ambag ni Lister Pueda, at tig-17 points naman sila Bernardino Alarcon at Stan Sudario.

Maganda naman ang pinakita ng bagong addition sa team na si Hipolito Dabao. Nakakuha siya ng double-double, 12 points at 14 rebounds.

Points: C. Tubig 23, L. Pueda 19, B. Alarcon 17, S. Sudario 17

Rebounds: H. Dabao 14, R. Cataniag 13, I.P. Malamid 10

Assists: P. Resuma 8, B. Alarcon 6, M. Villalino 5

Bago ang Semifinals, makakalaban muna natin muli ang India U21 sa ika-27 ng Hulyo, 7:00pm (PH time). Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati na rin sa ating Seniors team!

- Leo

This Post:
11
331894.19 in reply to 331894.18
Date: 7/27/2026 8:49:50 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
India U21 70 Philippines U21 99 (85153)

Tila binuhos ng India U21 ang lahat ng kanilang makakaya, at pinakaba ang mga manonood nang lumamang sila sa unang yugto ng laro. Ngunit sa huli, hindi ito naging sapat nang makaungos ang Pilipinas U21 at makopo ang panalo, 99-70.

Dahil sa panalong ito, mananatili ang ating koponan sa itaas ng Pool E. Sa Semis sa darating na Biyernes, ika-31 ng Hulyo, makakalaban natin ang 2nd place na koponan sa Pool D, ang China U21.

Kung tayo ay palarin na manalo sa Semis, makukuha natin ang outright entry sa World Cup sa susunod na season. Magkakaroon din tayo ng tsansa na makakuha ng ginto.

Nanguna sa scoring si Lister Pueda na may 18 points. Ito naman ang unang start ni Eden Vertudes sa torneong ito. Nakapagtala siya ng isang double-double: 14 points at 11 rebounds.

Points: L. Pueda 18, E. Vertudes 14, M. Villalino 14

Rebounds: R. Cataniag 17, E. Vertudes 11, N. Macabuhay 10

Assists: P. Resuma 6, M. Villalino 5, R. Cataniag 4

Good luck sa ating koponan sa Semifinals!

- Leo

This Post:
33
331894.20 in reply to 331894.19
Date: 7/31/2026 9:06:39 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
China U21 77 Philippines U21 67 (85445)

Sa ikalawang pagkikita ng Pilipinas U21 at China U21, pinakita ng dalawang magkatunggali ang kanilang tibay sa depensa, ngunit sa huli, napigilan ng China U21 ang anumang runs na ginagawa ng ating koponan. Natapos ang laro sa iskor na 77-67, pabor sa China U21.

Muling pinakita ni Lister Pueda ang kanyang kakayanan na pangunahan ang ating koponan sa likod ng kanyang 24-point, 9-rebound performance. Hindi man naging maganda ang simula ni Claro Tubig, nakabawi naman siya sa second half. Tumikada siya ng 14 points, 6 rebounds, 2 steals at 2 blocks.

Points: L. Pueda 24, C. Tubig 14, C. Debulgado 10

Rebounds: R. Briza 13, L. Pueda 9, G. Genizera 7

Assists: R. Briza 4, C. Debulgado 2, C. Tubig 1, A. Cano 1, R. Cataniag 1

Dahil sa pagkatalong ito, tayo ay makakakuha muli ng bronze trophy, ngunit hindi pa tapos ang laban. May World Cup Qualifiers pa tayo kung saan magkakaroon pa tayo ng tsansang makapasok sa World Cup sa susunod na season.

Malalaman natin bukas ng tanghali kung sino ang Americas o Europe team na ating makakalaban sa darating na Lunes o Martes, kaya patuloy natin suportahan ang ating pambansang koponan.

Good luck sa atin sa World Cup Qualifiers!

- Leo

This Post:
33
331894.21 in reply to 331894.20
Date: 8/1/2026 12:05:08 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
World Cup Qualifier Game:

3rd of August, 6:00pm (Manila Time) - Philippines U21 vs Srbija U21

Good luck sa ating pambansang koponan at sa draft!

- Leo

This Post:
22
331894.22 in reply to 331894.21
Date: 8/3/2026 8:08:15 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Srbija U21 91 Philippines U21 84 (85520)

Frustrating end sa ating kampanya sa season na ito nang matalo tayo ng Srbija U21 sa iskor na 84-91. Magandang resbak ang pinakita ng ating koponan sa fourth quarter nang lumamang ang ating kalaban ng mahigit 20 points, ngunit kinapos na tayo sa huli.

Dahil sa pagkatalong ito, papasok tayo sa Consolation Tournament sa susunod na season.

Nais ko lang icommend ang isa nating player na nakapagbreak ng record. Ang ating best scorer na si Lister Pueda ay nakapagtala ng suma-tutal na 273 points sa season na ito. Siya na ang pang-apat na may pinakamataas na total points sa isang season sa Pilipinas U21. Kudos sa kanyang manager na si JMG4Life ng Santa Rosa Specx. Matapos ang ilang seasons, malaki ang tsansa na makikita natin siyang maglalaro para sa ating Seniors team.

Kudos rin sa ating mga managers na patuloy na nagtetrain at sumusuporta sa ating National Teams. See you all next season!

Points: L. Pueda 27, C. Tubig 16, R. Briza 13

Rebounds: R. Cataniag 19, R. Briza 11, L. Pueda 9

Assists: C. Debulgado 9, L. Pueda 2, C. Tubig 2

- Leo

This Post:
33
331894.23 in reply to 331894.22
Date: 8/3/2026 8:25:51 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Onto the next season!

Itake ko ang oportunity na ito para tawagin ang ating mga managers na mas lalong pagbutihin ang training. Naishare ko na ang mga materyales para makapagtrain tayo tulad ng Training Guide na nirevise ko kamakailan lang:

Training Guide: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At nakagawa na rin tayo ng Training Simulator kung gusto nating masubaybayan ang progress ng ating trainees kada linggo:

Training Simulator: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At sa front page ng ating U21 page, may mga links doon na magsisilbing guidelines sa kung ano ang hinahanap nating players para sa ating U21 team:

Pilipinas U21 Page: https://www.buzzerbeater.com/country/57/jnt/overview.aspx

It's now time to step up our training game. Kung kaya natin bumili ng mas mataas na level ng trainer at youth trainer o bumili ng infrastructures, without sacrificing our economy, gawin natin.

At sa mga makakapagdraft ng rookies, at wala tayong balak magtrain o hindi interesado sa training, please sell them this week o next week. Mas mataas ang ROI natin kung maaga natin silang mabenta.

At doon naman sa mga makakakuha ng malalakas na rookies, at interesado tayong magtrain, feel free to mail the U21 or Seniors team manager.

Schedule sa mga susunod na araw; Unang isscout natin ay ang mga rookies, lalo na ang mga solid na U21 at Seniors prospects natin. Kasunod ang mga non-rookies na 19- at 20-year olds, at panghuli ang mga 21 year olds. Nagkaroon na tayo ng preliminary scouting sa kanila nung mga nakaraang linggo kaya pwede na natin ito ihuli.

Maraming salamat at good luck sa draft!

Best regards,
Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 8/3/2026 8:38:23 AM

This Post:
33
331894.24 in reply to 331894.23
Date: 8/9/2026 6:43:46 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Alright, natapos na natin ang pagmail sa ilang managers na may U21 rookie prospects. Kung tingin nyo may hawak kayong U21 rookie prospect/s, at di ko kayo namail, feel free to mail me your initial plan (kung meron), trainer level, at youth trainer level.

Bukas magstart na tayo magscout ng mga non-rookies. Medyo nadelay tayo pero kayang-kaya ito tapusin lahat bago ang ating unang Consolation game sa September 18 (1:30am PH time) laban sa Nigeria U21.

Meron din tayong scrimmage bukas laban sa Slovenia U21, 11:30pm (PH time).

Maraming salamat sa suporta sa ating National Teams!

Regards,
Leo

This Post:
00
331894.25 in reply to 331894.24
Date: 8/16/2026 9:42:09 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Enthusiasm reset already done, kaya hindi na tayo makakapagscout ng players. Namail na rin natin ang karamihan sa mga managers ng mga upcoming U21 stars natin. Kaya sa mga di pa nagerereply sa aming mails, we really love to hear from you. Communication is key, mga bossing.

Ulitin ko rin, kung tingin nyo may trainee kayo na pang-U21, at di ko kayo namail, please make the initiative to mail. Kindly include in the mail your trainee's current skillset, at ang current trainer levels natin, o yung kaya natin kunin this season.

Sa mga naghahanap ng training guides, maaari kayong magrefer sa ating training guide at pati na rin sa U21 training FAQs:

FAQs: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
Guide: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At ang panghuli, nag-add na tayo ng unang sampung players sa ating U21 team. Kung nagtataka kayo na may 20-year-old sa ating team ngayon pa lang, the current squad badly needs shotblocking, and he's currently one of the best shotblockers even at 20 years old. Very valuable experience na rin ito sa kanya in preparation for the U21 Asian Tourney next season.

See them in action sa ating unang laban kontra Nigeria U21 na gaganapin sa kanilang homecourt, ika-18 ng Agosto, 1:30am (PH time). Our aim this season is to stay in U21 consolation tournament for as long as possible. Good luck to our team, at pati na rin sa ating Seniors team!

Best regards,
Leo

Advertisement