Philippines U21 65
France U21 102
(83380)Nabanggit natin last week na isa itong malaking pagsubok sa ating koponan ang larong ito kontra sa France U21, at yun nga ang nangyari. Nakipagsabayan tayo sa first half ngunit pagdating ng second half, naramdaman na ng ating koponan ang homecourt disadvantage at ang lakas ng kanilang mga bigmen, at sa huli hindi na tayo nakabawi.
Pinangunahan muli ni
Claro Cui ang scoring para sa Pilipinas at nakapagtala siya ng 13 points, na may kasamang 10 rebounds. Ito ang pangalawang double-double ni Cui sa torneong ito. Sinundan ito nila
Sondo Savella na may 13 points, at
Liberato Banzon na may 11 points.
Si
Jack Pailden naman ang naging sandigan ng Pilipinas pagdating sa depensa. Nakapagtala siya ng 14 rebounds, 3 steals at 6 blocks. Samantala, si
Sam Jones naman ang pangunahing taga-timon para sa ating koponan. Sa kanyang unang start, nakapagtala siya ng 10 points at 7 assists.
Points:
C. Cui 13,
S. Savella 13,
L. Banzon 11
Rebounds:
J. Pailden 14,
C. Cui 10,
L. Banzon 9
Assists:
S. Jones 7,
C. Cui 3,
S. Savella 2,
J. Pailden 2,
G. Negradas 2
Sa susunod na Lunes, February 16th, 6:30 PM (Manila time), Brasil U21 naman ang makakaharap natin at gaganapin ito sa ating homecourt. Masasabi kong evenly-matched ang mga koponan na magtutunggali kaya interesante ang laban na ito. Muli, ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.
- Leo