Venezuela U21 34
Philippines U21 87
(86152)Nakuha ng ating mga bataan ang ika-anim na panalo matapos natin limitahan ang Venezuela U21 sa 34 points lamang, 87-34.
Nanguna sa scoring sila
Samuel Sammy Espiritu na may 16 points, at
Alfred Joseph Dolores na meron namang 13 points.
Impresibo naman ang pinakita ng ating starting Point Guard na si
Jeremy Ty sa kanyang ikalawang start sa torneong ito. Nakapag-ambag siya ng 12 points, 4 assists, at ang nakakamanghang 14 rebounds!
Kudos kay
Rex Casalmir sa pinakita niyang matinding depensa, 8 tira lang naman ang sinupalpal niya. Dinagdagan niya rin ito ng 10 points at 11 rebounds para sa isang double-double.
Bagama't hindi naging maganda ang simula ni
Lyndon Pakingking bilang first-time starter, nakapagtala pa rin siya ng isang solid na double-double performance sa pagtatapos ng larong ito: 10 points at 17 rebounds, na may karagdagang 2 steals at 3 blocks.
Sa susunod na linggo, sa ika-28 ng Setyembre, 9:30pm (PH time), tayo naman ang bibisita sa Georgia (Sakartvelo) upang kalabanin ang Sakartvelo U21. Sa ngayon, 1-4 ang kanilang kartada.
Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!
Points:
S.S. Espiritu 16,
A.J. Dolores 13,
J. Ty 12,
A. Caro 12
Rebounds:
L. Pakingking 17,
J. Ty 14,
R. Casalmir 11
Assists:
A.J. Dolores 4,
J. Ty 4,
R. Goh 3
- Leo