BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
22
331894.22 in reply to 331894.21
Date: 8/3/2026 8:08:15 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Srbija U21 91 Philippines U21 84 (85520)

Frustrating end sa ating kampanya sa season na ito nang matalo tayo ng Srbija U21 sa iskor na 84-91. Magandang resbak ang pinakita ng ating koponan sa fourth quarter nang lumamang ang ating kalaban ng mahigit 20 points, ngunit kinapos na tayo sa huli.

Dahil sa pagkatalong ito, papasok tayo sa Consolation Tournament sa susunod na season.

Nais ko lang icommend ang isa nating player na nakapagbreak ng record. Ang ating best scorer na si Lister Pueda ay nakapagtala ng suma-tutal na 273 points sa season na ito. Siya na ang pang-apat na may pinakamataas na total points sa isang season sa Pilipinas U21. Kudos sa kanyang manager na si JMG4Life ng Santa Rosa Specx. Matapos ang ilang seasons, malaki ang tsansa na makikita natin siyang maglalaro para sa ating Seniors team.

Kudos rin sa ating mga managers na patuloy na nagtetrain at sumusuporta sa ating National Teams. See you all next season!

Points: L. Pueda 27, C. Tubig 16, R. Briza 13

Rebounds: R. Cataniag 19, R. Briza 11, L. Pueda 9

Assists: C. Debulgado 9, L. Pueda 2, C. Tubig 2

- Leo

This Post:
33
331894.23 in reply to 331894.22
Date: 8/3/2026 8:25:51 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Onto the next season!

Itake ko ang oportunity na ito para tawagin ang ating mga managers na mas lalong pagbutihin ang training. Naishare ko na ang mga materyales para makapagtrain tayo tulad ng Training Guide na nirevise ko kamakailan lang:

Training Guide: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At nakagawa na rin tayo ng Training Simulator kung gusto nating masubaybayan ang progress ng ating trainees kada linggo:

Training Simulator: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At sa front page ng ating U21 page, may mga links doon na magsisilbing guidelines sa kung ano ang hinahanap nating players para sa ating U21 team:

Pilipinas U21 Page: https://www.buzzerbeater.com/country/57/jnt/overview.aspx

It's now time to step up our training game. Kung kaya natin bumili ng mas mataas na level ng trainer at youth trainer o bumili ng infrastructures, without sacrificing our economy, gawin natin.

At sa mga makakapagdraft ng rookies, at wala tayong balak magtrain o hindi interesado sa training, please sell them this week o next week. Mas mataas ang ROI natin kung maaga natin silang mabenta.

At doon naman sa mga makakakuha ng malalakas na rookies, at interesado tayong magtrain, feel free to mail the U21 or Seniors team manager.

Schedule sa mga susunod na araw; Unang isscout natin ay ang mga rookies, lalo na ang mga solid na U21 at Seniors prospects natin. Kasunod ang mga non-rookies na 19- at 20-year olds, at panghuli ang mga 21 year olds. Nagkaroon na tayo ng preliminary scouting sa kanila nung mga nakaraang linggo kaya pwede na natin ito ihuli.

Maraming salamat at good luck sa draft!

Best regards,
Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 8/3/2026 8:38:23 AM

This Post:
33
331894.24 in reply to 331894.23
Date: 8/9/2026 6:43:46 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Alright, natapos na natin ang pagmail sa ilang managers na may U21 rookie prospects. Kung tingin nyo may hawak kayong U21 rookie prospect/s, at di ko kayo namail, feel free to mail me your initial plan (kung meron), trainer level, at youth trainer level.

Bukas magstart na tayo magscout ng mga non-rookies. Medyo nadelay tayo pero kayang-kaya ito tapusin lahat bago ang ating unang Consolation game sa September 18 (1:30am PH time) laban sa Nigeria U21.

Meron din tayong scrimmage bukas laban sa Slovenia U21, 11:30pm (PH time).

Maraming salamat sa suporta sa ating National Teams!

Regards,
Leo

This Post:
00
331894.25 in reply to 331894.24
Date: 8/16/2026 9:42:09 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Enthusiasm reset already done, kaya hindi na tayo makakapagscout ng players. Namail na rin natin ang karamihan sa mga managers ng mga upcoming U21 stars natin. Kaya sa mga di pa nagerereply sa aming mails, we really love to hear from you. Communication is key, mga bossing.

Ulitin ko rin, kung tingin nyo may trainee kayo na pang-U21, at di ko kayo namail, please make the initiative to mail. Kindly include in the mail your trainee's current skillset, at ang current trainer levels natin, o yung kaya natin kunin this season.

Sa mga naghahanap ng training guides, maaari kayong magrefer sa ating training guide at pati na rin sa U21 training FAQs:

FAQs: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
Guide: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At ang panghuli, nag-add na tayo ng unang sampung players sa ating U21 team. Kung nagtataka kayo na may 20-year-old sa ating team ngayon pa lang, the current squad badly needs shotblocking, and he's currently one of the best shotblockers even at 20 years old. Very valuable experience na rin ito sa kanya in preparation for the U21 Asian Tourney next season.

See them in action sa ating unang laban kontra Nigeria U21 na gaganapin sa kanilang homecourt, ika-18 ng Agosto, 1:30am (PH time). Our aim this season is to stay in U21 consolation tournament for as long as possible. Good luck to our team, at pati na rin sa ating Seniors team!

Best regards,
Leo

This Post:
33
331894.26 in reply to 331894.25
Date: 8/17/2026 9:06:13 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 117 Nigeria U21 104 (85941)

Maaga man nainjure ang ating starting point guard na si Rodrigo Goh, hindi nagpatinag ang ating koponan, at sa huli, nakuha natin ang unang panalo sa consolation tournament laban sa Nigeria U21 sa iskor na 117-104.

Nanguna sa scoring si Samuel Sammy Espiritu na may 30 points. Nagdagdag din siya ng 6 rebounds at 5 assists. Sinundan naman ito ni Alfred Joseph Dolores na may 26 points.

Nakakuha naman ng double-doubles ang tatlo nating players. Una na rito ang ating starting bigs na sila Felicito Gorriceta at Errol Villoso. 13 points at 11 rebounds ang naiambag ni Gorriceta, samantalang 10 points at 16 rebounds naman ang naitala ni Villoso. Nagdagdag din ng 4 assists, 2 steals at 4 blocks si Villoso.

Humakot naman ng 12 points at 13 assists si Abundio Caro, na siyang humalili kay Goh nang mainjure ang huli.

Sunod nating makakalaban ang Bosnia i Hercegovina U21, sa ating homecourt. Ang laro ay magaganap sa ika-24 ng Agosto, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S.S. Espiritu 30, A.J. Dolores 26, F. Gorriceta 13

Rebounds: E. Villoso 16, F. Gorriceta 11, S.S. Espiritu 6, A. Caro 6

Assists: A. Caro 13, S.S. Espiritu 5, E. Villoso 4

- Leo

This Post:
11
331894.27 in reply to 331894.26
Date: 8/24/2026 8:00:38 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Bosna i Hercegovina U21 73 Philippines U21 81 (85988)

Hindi man kagandahan ang overall game shape ng ating koponan, matagumpay nating naipagtanggol ang ating homecourt nang mapatumba natin ang Bosnia U21, 81-73. 2-0 na ang Pilipinas U21 sa consolation tournament.

Sa larong ito, si Alfred Joseph Dolores ang nanguna sa scoring nang magtala siya ng 28 points. 19 points naman ang naiambag ni Rodrigo Goh, na may karagdagang 6 rebounds, 5 assists at 2 steals. Nagpamalas din ng isang all-around performance si Samuel Sammy Espiritu. 12 points, 9 rebounds at 6 assists naman ang kanyang naging kontribusyon sa larong ito.

Pawang naka-6 blocks ang ating starting bigs na sila Errol Villoso at Soeren de Vega. Pareho din silang nanguna sa rebounding nang humakot sila ng 28 total rebounds.

Belarus U21 naman ang makakalaban natin next week, sa ika-31 ng Agosto, 9:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 28, R. Goh 19, S.S. Espiritu 12

Rebounds: E. Villoso 17, S. de Vega 11, A.J. Dolores 9, S.S. Espiritu 9

Assists: S.S. Espiritu 6, R. Goh 5, A. Caro 4

- Leo