Asia Championship in Australia
Season 71's Asia Cup ay gaganapin sa land down under, na-igrupo na rin tayo ngunit bago yan ay may scrimmage game muna tayo against Canada.
Naigrupo tayo sa Pool C kasama ng China, Iran, Singapore, Japan, UAE at Vietnam. Ang Pool A naman ay kinabibilangan ng host na Australia, Taiwan, Macau, Kazakhstan, South Korea, Thailand at New Zealand, habang ang Pool B naman ay Hong Kong, Lebanon, Malaysia, Pakistan, Indonesia, India at Saudi Arabia.
May tatlong guards tayo na-gradweyt na mula sa ating koponan upang mapagbigyan ang mga mas batang manlalaro. Si Melecio Sidad na may 95 caps para sa team, Ericson Regidor na may 80 caps at Sixto Nical na may 118 caps, tabla sa 8th place sa ating all-time games played. Magtatapos din si Nical bilang 10th all-time points leader natin na may 1,281pts.
Last season, umakyat din sa 10th all-time games played si Fortunato Arcega na may 117 caps. At 33, may chance pa siyang umakyat sa ating leaderboard. Umakyat din siya last season sa 2nd all-time rebounds leader natin na may 1,203rebs habang umakyat din siya sa 5th all-time assists leader na may 386.
Sa ibang balita naman, tumambla si Atoy Fulgencio sa 4th most pts scored in a game last season with 48, tied kay Clodualdo Salinel na nai-set noong season 69. Benson Villarivera also tied sa 5th most pts in a single season na may 284pts, tied kay Ulan Cantara na nai-set ang record na yan noong season 35.
Election season na naman kaya naman inaanyayahan natin ang lahat na makilahok sa pagboto at pagsuporta sa ating National Team. Patuloy nating suportahan ang ating komunidad.
Laban Pilipinas!