Japan U21 53
Philippines U21 99
(83485)Pinakita ng Pilipinas U21 ang kanilang husay sa depensa nang kanilang limitahan ang Japan U21 sa 53 points.
Si
Romeo Puno ang namuno sa pag-iskor para sa Pilipinas U21. Tumikada siya ng 26 points. Sinundan ito nila
Gage Bowden na may 19 points, at
Claro Cui na may 17 points. Nagdagdag din ng 10 rebounds si Cui upang makamit ang ikatlong double-double sa torneong ito.
Mapa-starter man o off the bench, epektibo pa rin si
Jack Pailden sa paghakot ng mga rebounds. Sa larong ito, nakakuha siya ng 18 rebounds, samantalang nagposte naman si
Sev Robel ng 14 rebounds, 4 assists, 3 steals at 2 blocks.
Points:
R. Puno 26,
G. Bowden 19,
C. Cui 17
Rebounds:
J. Pailden 18,
S. Robel 14,
C. Cui 10
Assists:
G. Negradas 5,
C. Cui 4,
S. Robel 4
Sa susunod na linggo, bibisitahin ng Pilipinas U21 ang homecourt ng Czech U21 sa ika-10 ng Marso, 1:40 am sa oras ng Pilipinas. Masusubukan ng husto ang ating mga pambato sa larong ito, kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.
- Leo