BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 70 & 71

Pilipinas U21 Season 70 & 71

Set priority
Show messages by
This Post:
11
329111.24 in reply to 329111.23
Date: 3/2/2026 9:39:39 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Japan U21 53 Philippines U21 99 (83485)

Pinakita ng Pilipinas U21 ang kanilang husay sa depensa nang kanilang limitahan ang Japan U21 sa 53 points.

Si Romeo Puno ang namuno sa pag-iskor para sa Pilipinas U21. Tumikada siya ng 26 points. Sinundan ito nila Gage Bowden na may 19 points, at Claro Cui na may 17 points. Nagdagdag din ng 10 rebounds si Cui upang makamit ang ikatlong double-double sa torneong ito.

Mapa-starter man o off the bench, epektibo pa rin si Jack Pailden sa paghakot ng mga rebounds. Sa larong ito, nakakuha siya ng 18 rebounds, samantalang nagposte naman si Sev Robel ng 14 rebounds, 4 assists, 3 steals at 2 blocks.

Points: R. Puno 26, G. Bowden 19, C. Cui 17

Rebounds: J. Pailden 18, S. Robel 14, C. Cui 10

Assists: G. Negradas 5, C. Cui 4, S. Robel 4

Sa susunod na linggo, bibisitahin ng Pilipinas U21 ang homecourt ng Czech U21 sa ika-10 ng Marso, 1:40 am sa oras ng Pilipinas. Masusubukan ng husto ang ating mga pambato sa larong ito, kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
22
329111.25 in reply to 329111.24
Date: 3/9/2026 8:45:56 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 91 Czech U21 61 (83539)

Pinamalas ng bumibisitang Pilipinas U21 ang kanilang gilas nang makuha nila ang panalo kontra Czech U21, sa kanilang balwarte, 91-61.

Sa larong ito, si Allan Camilo Tiopes naman ang bumida sa scoring na may tangan na 15 points, off the bench. Nag-ambag naman ng tig-13 points sila Romeo Puno at Sam Jones, samantalang 10 points naman ang naibuslo ni Gage Bowden.

Muli namang pinakita nila Jack Pailden, Geoffrey Negradas, at Sev Robel ang kanilang husay sa depensa. Nakakuha silang tatlo ng 34 rebounds at 11 blocks. Malaki rin ang kanilang parte sa paglimita sa opensa ng Czech U21. Nagtala lamang ng 61 points ng Czech U21, na kanilang pinakamababang scoring output sa torneong ito.

Points: A. Tiopes 15, R. Puno 13, S. Jones 13

Rebounds: J. Pailden 16, S. Robel 11, G. Negradas 7

Assists: S. Jones 5, L. Banzon 4, S. Robel 4

Sa ika-16 ng Marso, 5:30 pm (oras sa Pilipinas), susubukan namang makopo ng Pilipinas U21 ang kanilang ika-anim na panalo kontra sa Kazakhstan U21 na bibisita sa Pilipinas. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
22
329111.26 in reply to 329111.25
Date: 3/16/2026 7:05:39 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Kazakhstan U21 78 Philippines U21 110 (83585)

Nakuha ng Pilipinas U21 ang kanilang ika-anim na panalo matapos patumbahin ang Kazakhstan U21, 110-78. Sa pangalawang sunod na pagkakataon, si Allan Camilo Tiopes ang bumida sa scoring na may 18 points. Sinundan ito nila Liberato Banzon na may 14 points, at Sev Robel na may 13 points.

Nagdagdag din si Robel ng 13 rebounds upang kumpletuhin ang kanyang unang double-double sa torneong ito. Ito naman ang unang start ni Bunny Gravoso, at hindi niya pinahiya ang kanyang koponan nang magtala rin siya ng 12 points at 12 rebounds na double-double.

Points: A. Tiopes 18, L. Banzon 14, S. Robel 13

Rebounds: S. Robel 13, B. Gravoso 12, J. Pailden 11

Assists: L. Banzon 5, S. Jones 4, S. Robel 3, S. Ybañez 3, J. Pailden 3

Sa ika-24 ng Marso, 7:00am (oras sa Pilipinas), bibisitahin naman ng Pilipinas U21 ang Puerto Rico U21 sa kanilang balwarte. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

At kung isa ka sa mga managers na may player na tingin nyo makakapasok sa team, ipagpatuloy natin ang training at alagaan ang Game Shape. May 4 slots pa tayo sa team. Maraming salamat!

- Leo

This Post:
22
329111.27 in reply to 329111.26
Date: 3/23/2026 11:05:18 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 86 Puerto Rico U21 68 (83618)

Sa last game ng eliminations, nakuha ng Pilipinas U21 ang kanilang ika-pitong panalo kontra Puerto Rico U21 sa iskor na 86-68.

Bagama't maagang na-foul-out si Sam Jones, siya pa rin ang nanguna sa pag-iskor para sa Pilipinas U21. Nakapagtala siya ng 18 points, 4 reboudns at 5 assists. Di naman nagpahuli si Gage Bowden nang magbuslo siya ng 16 points, off the bench.

Para naman kay Bunny Gravoso, nakuha nya ang kanyang pangalawang double-double sa torneong ito. Nag-ambag siya ng 11 points at 12 rebounds. Ito rin ang kanyang pangalawang start para sa ating koponan.

Points: S. Jones 18, G. Bowden 16, B. Gravoso 11, N. Orale 11

Rebounds: B. Gravoso 12, J. Pailden 9, A.C. Tiopes 6, C. Cui 6

Assists: S. Jones 5, R. Puno 5, C. Cui 4, A.C. Tiopes 3

Sa susunod na linggo na ang simula ng knockout rounds sa U21 consolation tournament. Bukas o sa makalawa, malalaman natin kung sino ang makakatapat ng Pilipinas U21. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
11
329111.28 in reply to 329111.27
Date: 3/30/2026 8:12:03 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
U.A.E. U21 65 Philippines U21 108 (83874)

Para sa unang laro ng knockout rounds, pinatumba ng Pilipinas U21 ang U.A.E. U21, 108-65.

"Pahirapan na ang mga susunod na laban, lalo na laban sa mga European teams." ani Coach Leo. Umaasa rin siyang magiging handa ang kanyang mga manlalaro para sa matitinding laban na paparating.

Sa larong ito, si Sol Ybañez naman ang nanguna sa scoring nang magtala siya ng 20 points, na may karagdagang 4 assists. Sinundan ito nila Nero Orale, na may 14 points, at Romeo Puno, na may 12 points.

Ibang lebel ng depensa naman ang pinamalas ni Geoffrey Negradas. Nag-ambag siya ng 10 points, 20 rebounds, at 7 blocks!

Points: S. Ybañez 20, N. Orale 14, R. Puno 12

Rebounds: G. Negradas 20, S. Robel 12, C. Cui 9

Assists: S. Ybañez 4, R. Puno 4, S. Robel 3, S. Jones 3, C. Cui 3, E. Pedalezo 3

Sa susunod na linggo, makakaharap naman natin ang mananalo sa laban ng #9 Slovakia U21 at #24 Andorra U21 mamayang madaling araw. Magaganap ang susunod na laban sa ating homecourt, ika-anim ng Abril, 5:30pm (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga pambansang koponan.

- Leo

This Post:
00
329111.29 in reply to 329111.28
Date: 4/6/2026 8:35:12 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Slovensko U21 86 Philippines U21 98 (83930)

Pinangunahan ni Liberato Banzon ang Pilipinas U21 sa kanilang panalo kontra Slovakia U21, 98-86. Nagtala si Banzon ng 32 points, 5 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block.

Sinundan naman ito nila Romeo Puno, na may 19 points at 5 assists, at Sol Ybañez na may 18 points at 4 assists. Isa namang 10-point, 13-rebound double-double performance ang pinamalas ni Gage Bowden sa kanyang unang start sa torneong ito. Nagdagdag din siya ng 3 blocks.

Points: L. Banzon 32, R. Puno 19, S. Ybañez 18

Rebounds: G. Bowden 13, S. Robel 8, B. Gravoso 7

Assists: R. Puno 5, S. Ybañez 4, L. Banzon 3, S. Robel 3

Hihintayin ng Pilipinas U21 ang mananalo sa laban ng #16 Slovenia U21 at ng #1 France U21 mamaya. Patuloy natin ang pagsuporta sa ating mga National teams!

- Leo

This Post:
00
329111.31 in reply to 329111.30
Date: 4/7/2026 7:21:11 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
277277
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Thanks man! France U21 will be tough though...