BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 70 & 71

Pilipinas U21 Season 70 & 71

Set priority
Show messages by
This Post:
22
329111.27 in reply to 329111.26
Date: 3/23/2026 11:05:18 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
278278
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 86 Puerto Rico U21 68 (83618)

Sa last game ng eliminations, nakuha ng Pilipinas U21 ang kanilang ika-pitong panalo kontra Puerto Rico U21 sa iskor na 86-68.

Bagama't maagang na-foul-out si Sam Jones, siya pa rin ang nanguna sa pag-iskor para sa Pilipinas U21. Nakapagtala siya ng 18 points, 4 reboudns at 5 assists. Di naman nagpahuli si Gage Bowden nang magbuslo siya ng 16 points, off the bench.

Para naman kay Bunny Gravoso, nakuha nya ang kanyang pangalawang double-double sa torneong ito. Nag-ambag siya ng 11 points at 12 rebounds. Ito rin ang kanyang pangalawang start para sa ating koponan.

Points: S. Jones 18, G. Bowden 16, B. Gravoso 11, N. Orale 11

Rebounds: B. Gravoso 12, J. Pailden 9, A.C. Tiopes 6, C. Cui 6

Assists: S. Jones 5, R. Puno 5, C. Cui 4, A.C. Tiopes 3

Sa susunod na linggo na ang simula ng knockout rounds sa U21 consolation tournament. Bukas o sa makalawa, malalaman natin kung sino ang makakatapat ng Pilipinas U21. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating National Teams.

- Leo

This Post:
11
329111.28 in reply to 329111.27
Date: 3/30/2026 8:12:03 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
278278
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
U.A.E. U21 65 Philippines U21 108 (83874)

Para sa unang laro ng knockout rounds, pinatumba ng Pilipinas U21 ang U.A.E. U21, 108-65.

"Pahirapan na ang mga susunod na laban, lalo na laban sa mga European teams." ani Coach Leo. Umaasa rin siyang magiging handa ang kanyang mga manlalaro para sa matitinding laban na paparating.

Sa larong ito, si Sol Ybañez naman ang nanguna sa scoring nang magtala siya ng 20 points, na may karagdagang 4 assists. Sinundan ito nila Nero Orale, na may 14 points, at Romeo Puno, na may 12 points.

Ibang lebel ng depensa naman ang pinamalas ni Geoffrey Negradas. Nag-ambag siya ng 10 points, 20 rebounds, at 7 blocks!

Points: S. Ybañez 20, N. Orale 14, R. Puno 12

Rebounds: G. Negradas 20, S. Robel 12, C. Cui 9

Assists: S. Ybañez 4, R. Puno 4, S. Robel 3, S. Jones 3, C. Cui 3, E. Pedalezo 3

Sa susunod na linggo, makakaharap naman natin ang mananalo sa laban ng #9 Slovakia U21 at #24 Andorra U21 mamayang madaling araw. Magaganap ang susunod na laban sa ating homecourt, ika-anim ng Abril, 5:30pm (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga pambansang koponan.

- Leo

This Post:
11
329111.29 in reply to 329111.28
Date: 4/6/2026 8:35:12 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
278278
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Slovensko U21 86 Philippines U21 98 (83930)

Pinangunahan ni Liberato Banzon ang Pilipinas U21 sa kanilang panalo kontra Slovakia U21, 98-86. Nagtala si Banzon ng 32 points, 5 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block.

Sinundan naman ito nila Romeo Puno, na may 19 points at 5 assists, at Sol Ybañez na may 18 points at 4 assists. Isa namang 10-point, 13-rebound double-double performance ang pinamalas ni Gage Bowden sa kanyang unang start sa torneong ito. Nagdagdag din siya ng 3 blocks.

Points: L. Banzon 32, R. Puno 19, S. Ybañez 18

Rebounds: G. Bowden 13, S. Robel 8, B. Gravoso 7

Assists: R. Puno 5, S. Ybañez 4, L. Banzon 3, S. Robel 3

Hihintayin ng Pilipinas U21 ang mananalo sa laban ng #16 Slovenia U21 at ng #1 France U21 mamaya. Patuloy natin ang pagsuporta sa ating mga National teams!

- Leo

This Post:
00
329111.31 in reply to 329111.30
Date: 4/7/2026 7:21:11 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
278278
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Thanks man! France U21 will be tough though...

This Post:
00
329111.32 in reply to 329111.30
Date: 4/13/2026 10:36:48 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
278278
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 72 France U21 98 (83990)

End of the road para sa ating mga bataan nang mabigo tayong talunin ang France U21, 72-98. Si Sol Ybañez ang nanguna sa scoring na may 21 points, 8 rebounds at 4 assists. Sinundan ito nila Liberato Banzon at Sondo Savella na may tig-11 points.

Points: S. Ybañez 21, L. Banzon 11, S. Savella 11

Rebounds: E. Cole 12, S. Ybañez 8, L. Banzon 7, B. Gravoso 7

Assists: S. Ybañez 4, B. Gravoso 2, C. Cui 2, S. Jones 2

Maraming salamat sa mga managers na nagtrain ng ating mga U21 players at sa pagmaintain ng kanilang game shape.

May 2 weeks pa tayo bago ang offseason, pero magsisimula na tayong magscout ng mga U20 prospects. Sa mga susunod na scrimmages, magpapakitang-gilas na ang mga 20-year-old prospects natin.

Good luck din sa mga managers na umaasang makakuha ng U21 prospects sa darating na draft.

At ang huli, suportahan natin ang ating Seniors team na patuloy na lumalaban upang makakuha ng spot sa World Cup!

Maraming salamat!

- Leo