BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
22
331894.6 in reply to 331894.5
Date: 5/11/2026 8:58:41 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 108 India U21 70 (84633)

Hindi nagpakita ng first game jitters ang ating mga bataan nang umarangkada sila sa first quarter na may 17 puntos na kalamangan, 27-10. Hindi na rin nila pinaporma ang India U21 sa mga sumunod na quarters, at nagtapos ang laban sa iskor na 108-70.

Nice contributions mula sa ating mga manlalaro na pinangunahan ni Lister Pueda na may 28 points, 5 rebounds, 2 assists at 3 blocks. Si Gonzalo Genizera naman ay may 21 points, 8 rebounds, 2 assists at 2 blocks.

13 points at 9 assists naman ang naiambag ni Paulino Resuma. Kumamada naman ng 13 points, 4 assists at 2 steals ang backup point guard na si Michael Villalino. Credits din kay Irvin Philippe Malamid sa kanyang pinamalas na laro, lalo na sa depensa, nang mag-ambag siya ng 7 points, 14 rebounds, 4 assists, 2 steals at 6 blocks.

Points: L. Pueda 28, G. Genizera 21, P. Resuma 13, M. Villalino 13

Rebounds: I.P. Malamid 14, R. Briza 10, G. Genizera 8

Assists: P. Resuma 9, I.P. Malamid 4, M. Villalino 4, B. Tuballa 4

Sunod naman nating kakalabanin ang Lebanon U21 sa ika-18 ng Mayo, 7:00 PM (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
11
331894.7 in reply to 331894.6
Date: 5/18/2026 9:30:23 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Lubnan U21 56 Philippines U21 90 (84634)

First quarter pa lamang, iniwan na ng ating mga bataan ang Lubnan U21. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa third quarter, at natapos ang laro sa iskor na 90-56. Sa ngayon, parehong may 2-0 na kartada ang Pilipinas U21 at China U21. Sa ika-1 ng Hunyo magsasalpukan ang dalawang koponan na ito.

Si Lister Pueda uli ang nanguna sa scoring para sa Pilipinas U21. Kumamada siya ng 19 points, at nagdagdag rin siya ng 5 rebounds, 4 assists, 2 steals at 4 blocks. Sinundan naman ito ni Bobby Tuballa, nang umiskor siya ng 17 points off the bench.

Nag-ambag ng 13 points at 9 assists ang ating starting Point Guard na si Michael Villalino, samantalang isang double-double performance naman ang pinakita ni Gonzalo Genizera nang mangolekta siya ng 11 points at 15 rebounds.

Points: L. Pueda 19, B. Tuballa 17, M. Villalino 13

Rebounds: G. Genizera 15, R. Cataniag 9, R. Briza 7, N. Macabuhay 7

Assists: M. Villalino 9, L. Pueda 4, R. Briza 3, P. Resuma 3

Sa ika-25 ng Mayo naman ay makakatapat natin ang Nippon U21, 7:00 PM (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
00
331894.8 in reply to 331894.7
Date: 5/24/2026 4:18:02 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Gumawa ako ng series ng posts regarding U21 training. Umaasa akong makakatulong ito, lalo na sa mga bagong managers natin na interesadong magtrain ng U21 prospect/s.

U21 Training FAQs Part 1: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Training FAQS Part 2: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

U21 Bigs (C/PF)Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Guards (SG/PG) Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Small Forwards (SF) Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

Ilalagay ko rin ang mga ito sa U21 team front page natin, kaya nasa Ingles ang mga ito.

Susunod naman ang updates sa training guide. Karamihan ay updates sa mga sample builds.

Maraming salamat!

- Leo

This Post:
11
331894.9 in reply to 331894.8
Date: 5/25/2026 9:11:42 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 129 Nippon U21 91 (84637)

Shaky start para sa ating mga bataan, ngunit nakarecover sila ilang minuto bago matapos ang second quarter. Natapos ang laro sa iskor na 129-91, pabor sa Pilipinas U21. Ito ang ikatlong panalo ng Pilipinas U21 sa tatlong laro.

Sa larong ito, bench players naman ang bumida sa scoring. Tumikada ng 27 points si Claro Tubig, samantalang 22 points naman ang pinakawalan ni Carlito Debulgado. Sinundan ito nila Bobby Tuballa at Lister Pueda na may 18 at 17 points, ayon sa pagkakabanggit.

Isang impresibong double-double naman ang pinamalas ni Michael Villalino. 11 points at 13 assists ang kanyang naiambag sa larong ito. Ito naman ang unang start ni Ronaldo Cataniag, at di niya pinahiya ang kanyang mga kababayan sa kanyang 4 points, 18 rebounds, 6 assists at 4 blocks na performance.

Points: C. Tubig 27, C. Debulgado 22, B. Tuballa 18

Rebounds: R. Cataniag 18, I. P. Malamid 10, G. Genizera 7, E. Vertudes 7

Assists: M. Villalino 13, R. Cataniag 6, P. Resuma 5

Sa ika-1 ng Hunyo, maghaharap ang dalawang koponan sa Pool B na wala pang talo: Pilipinas U21 at China U21 (2-0). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 5/25/2026 8:22:34 PM

This Post:
11
331894.10 in reply to 331894.9
Date: 6/1/2026 9:16:08 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
China U21 72 Pilipinas U21 74 (84642)

As expected, highly-contested ang salpukan ng dalawang teams na ito. Ngunit sa huli, nakaungos ang Pilipinas U21 sa iskor na 74-72. 4-0 na ang kartada ng Pilipinas U21, samantalang babagsak sa 2-1 ang China U21.

Kahit na pinahirapan siya ng depensa ng China U21, nanguna pa rin si Lister Pueda sa scoring na may 21 points. Sumunod naman si Claro Tubig na may 17 points. Dahil sa pagiging agresibo nila Pueda at Tubig sa opensa, nakakuha ng 6 fouls ang starting center ng China U21 na si Zeng Chuanlong, bago pa matapos ang first half!

Tig-17 rebounds ang nakolekta ng starting bigs ng Pilipinas U21 na sila Russell Briza at Irvin Philippe Malamid. Nagdagdag din si Briza ng 3 assists at 4 blocks.

Nag-ambag nama si Gonzalo Genizera ng 11 points at 7 rebounds off the bench. Isa rin si Paulino Resuma sa pinahirapan ng zona ng China U21. Wala siyang naipasok na field goal attempts, pero nakakuha siya ng 7 rebounds, 5 assists, 1 steal at 1 block.

Points: L. Pueda 21, C. Tubig 17, G. Genizera 11

Rebounds: R. Briza 17, I. P. Malamid 17, G. Genizera 7, P. Resuma 7

Assists: P. Resuma 5, C. Tubig 3, R. Briza 3, I. P. Malamid 3

Magtatagpo naman ang landas ng ating koponan at ng wala pang panalo na Macau U21 sa ika-8 ng Hunyo, 7:00pm (Manila time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 6/1/2026 9:17:34 AM

This Post:
11
331894.11 in reply to 331894.10
Date: 6/2/2026 7:46:33 AM
Manila Ice
PPL
Overall Posts Rated:
6464
Yun o! 4-0 na hahah

Visit my team website! https://manila-ice.netlify.app/
This Post:
55
331894.12 in reply to 331894.11
Date: 6/8/2026 9:20:09 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Pilipinas U21 135 Macau U21 71 (84645)

Kahit na gumamit ng Full Court Press ang ating kalaban, namaintain ng ating mga manlalaro ang kanilang poise sa court, at kalaunan ay nakuha natin ang panalong ito. 5-0 na ang kartada ng Pilipinas U21 at mananatili tayo sa taas ng Pool B.

Sa scoring, nanguna si Lister Pueda na may 27 points, at sinundan ito ni Claro Tubig na may 24 points. Tig-17 points naman ang inambag nila Michael Villalino at Carlito Debulgado.

13 points, 7 rebounds at 6 blocks ang naging kontribusyon ni Gonzalo Genizera sa larong ito bilang starting PF ng Pilipinas U21.

Samantala, muntik nang makuha ni Ronaldo Cataniag ang isang kakaibang triple-double. Nagtala siya ng 9 rebounds, 8 assists at 11 blocks!

Off the bench, 8 points at 12 assists naman ang naitala ni Paulino Resuma.

Points: L. Pueda 27, C. Tubig 24, M. Villalino 17, C. Debulgado 17

Rebounds: G. Dulay 11, R. Cataniag 9, I. P. Malamid 9

Assists: P. Resuma 12, M. Villalino 8, R. Cataniag 8

Sa ika-15 ng Hunyo, 7:00pm (Manila time), makakalaban ng ating koponan ang Malaysia U21. Ito ang huling laro ng Pilipinas U21 sa First Round, at magsisimula naman ang Second Round sa ika-29 ng Hunyo.

Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
33
331894.13 in reply to 331894.12
Date: 6/15/2026 9:34:59 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Malaysia U21 89 Philippines U21 100 (1OT) (84648)

Close call para sa ating koponan. Nahirapan tayong basagin ang 3-2 Zone ng Malaysia U21, ngunit, kahit papaano, nakasurvive tayo sa overtime, 100-89.

25 points ang binuhos ni Carlito Debulgado upang buhatin ang ating koponan. Nagdagdag din siya ng 11 rebounds, 5 assists at 2 steals. Sinundan ito nila Lister Pueda na may 18 points, at Paulino Resuma na may 14 points.

Unang start ito ni Gillette "The Blade" Dulay, ngunit pinakita nya na deserving siyang mabigyan ng minuto sa ating U21 team. 18 rebounds at 9 blocks ang kanyang inambag. 18 rebounds din ang nahakot ni Nicholas Macabuhay, na may karagdagang 8 points, 3 assists at 2 blocks.

Points: C. Debulgado 25, L. Pueda 18, P. Resuma 14

Rebounds: N. Macabuhay 18, G. Dulay 18, C. Debulgado 11

Assists: C. Debulgado 5, P. Resuma 5, M. Villalino 5

Dito magtatapos ang First Round para sa ating koponan na may 6-0 win-loss record. Pasok na tayo sa Second Round, na magsisimula sa ika-29 ng Hunyo.

Next week naman, sa ika-22 o ika-23 ng Hunyo, magkakaroon tayo ng scrimmage. Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
11
331894.14 in reply to 331894.13
Date: 6/25/2026 4:13:22 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Magsisimula na ang Second Round sa darating na Lunes. Ito ang ating schedule (Lahat 7pm Philippines time):

June 29th - vs Iran U21
July 6th - vs Indonesia U21 (Home Court)
July 13th - vs Taiwan U21
July 20th - vs Thailand U21
July 27th - vs India U21

Para sa ibang managers na hindi pa aware, sa Second Round, kailangan natin makatuntong sa Top 2 ng ating Pool para makapasok sa Semifinals. Ang Semis ay gaganapin sa July 31, Biyernes ito, 7pm, samantalang ang Finals naman ay gaganapin sa August 3, Lunes, 7pm din.

Kung tayo naman ay nasa pangatlo sa ating Pool, o kung di tayo palarin sa Semis, magkakaroon tayo ng World Cup Qualifier game sa August 3 o 4, depende sa ibigay na schedule. Euro team o Americas team ang makakatapat natin dito.

Makakapasok tayo sa World Cup next season kung manalo tayo sa Semis, o manalo tayo sa World Cup Qualifier game.

All the best para sa ating pambansang koponan!

Regards,
Leo

This Post:
44
331894.15 in reply to 331894.14
Date: 6/29/2026 9:06:37 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Iran U21 58 Philippines U21 98 (85141)

Sa unang laro natin sa Second Round, nagpasiklab agad ang ating mga bataan nang tambakan nila ng 40 points ang Iran U21, 98-58.

Si Claro Tubig naman ang nanguna sa scoring para sa ating koponan sa larong ito. 23 points ang kanyang binuhos sa loob lamang ng 24 minutes. Nagtala naman ng 15 points, 8 rebounds, 8 assists at 2 blocks si Carlito Debulgado bilang starting Point Guard ng team.

Off the bench, tig-11 points naman ang dinagdag nila Lister Pueda, at ang bagong player sa ating koponan na si Stan Sudario.

Nag-ambag naman ng 8 points at 18 rebounds si Gonzalo Genizera.

Points: C. Tubig 23, C. Debulgado 15, L. Pueda 11, S. Sudario 11

Rebounds: G. Genizera 18, G. Dulay 11, R. Briza 10

Assists: C. Debulgado 8, C. Tubig 4, I.P. Malamid 3

Indonesia U21 naman ang susunod na makakalaban ng ating U21 team sa ika-6 ng Hulyo, 7:00pm (PH time). Indonesia rin ang host sa torneong ito, kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati sa ang ating Seniors team!

- Leo

This Post:
55
331894.16 in reply to 331894.15
Date: 7/6/2026 9:22:29 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 109 Indonesia U21 75 (85145)

No homecourt, no problem para sa ating mga bataan nang talunin nila ang Indonesia U21 sa iskor na 109-75. Dahil sa panalong ito, 2-0 na ang kartada ng Pilipinas U21, kapareho ng Taiwan U21 at Thailand U21.

Nagtala ng game-high na 22 points si Lister Pueda, off the bench. Sa unang salang naman sa starting 5 ni Stan "The Man" Sudario, nakapagbuslo siya ng 17 points. Sinundan naman ito nila Claro Tubig at Ardan Cano na may tig-16 points.

Dinomina ng ating mga bigs ang rebounding, sa pangunguna ni Irvin Philippe Malamid na may 12 rebounds, at may karagdagang 5 assists at 2 blocks. Isang 14-point, 11-rebound double-double naman ang nakuha ni Gonzalo Genizera bilang ating starting power forward.

Nagtala naman ng 5 points, 8 rebounds at 7 assists ang pangunahin nating taga-timon na si Carlito Debulgado.

Points: L. Pueda 22, S. Sudario 17, C. Tubig 16, A. Cano 16

Rebounds: I.P. Malamid 12, G. Genizera 11, R. Cataniag 10

Assists: C. Debulgado 7, I.P. Malamid 5, P. Resuma 5

Sa ika-13 ng Hulyo, 7:00pm (PH time), Taiwan U21 naman ang ating makakalaban. Isa itong mabigat na laban kaya ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating U21 team, pati na rin sa ating Seniors team!

- Leo

Advertisement