Pati ba naman opportunity to explain pagdidiskusyunan pa natin dito? If he wants to explain his side karapatan nya un. Narinig din naman natin ang paliwanag ng previous admin at ng u21 dati. Sa totoo lang mas marami pa sana paliwanag ang nakuha natin from NT pero piniling manahimik ni beardy, choice nya din naman un. Kanya kanya din tayong pananaw o pag-label sa pag call out sa naging pagkukulang sa NT at U21 netong na mga nakaraan critisism man o bash nagdala padin un ng pagbabago. Halimbawa, nagkaroon ng scouting database ang U21 at naihabol ang enthu ng NT. At kung totoo nga ung pagcanvass ng votes nasa mga nakatanggap naman ang karapatan at kakayahan na ireport ung pangyayari. Sa tingin ko naman all of us agree & encourage them to do it dahil yun ang tama.
No question ako sa preference nya na mas magfocus sa part ng laro as NT manager. Again, choice nya yun kita naman sa own team nya na halos di nagcocompete at ginagawa nya lang halos pang training.
Sa punto ng paglipat within the same continent, personally agree ako dito na di dapat ginagawa yun. We are actually on the same situation as AU dahil tumatakbo din si beardy sa Japan. Kung ako ang nasa sitwasyon i will not run sa ibang bansa within the continent pero personal choice nila yun at wala naman rule na nagbabawal. Maybe it would be good to suggest this sa suggestion forums na i-limit sa ibang continents kung tatakbo sa ibang bansa ang isang current manager? Para maiwasan na ma-disadvantage ang country na maiiwan.
Last, kanya kanya din naman tayo ng boto kaya boto lang sa kung sino ang tingin natin na karapat dapat. Malalaman na maya maya lang kung sino ang mananalo. Kung sinuman yon inooffer ko ang tulong at suporta ko usap nalang tayo kung sa paanong paraan. Cheers to Pinas progress! 😁
Last edited by jeorge9 at 9/14/2020 5:34:52 PM