BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
22
331894.1
Date: 5/6/2026 2:24:17 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Magandang araw sa lahat!

Salamat sa mga bumoto at sumuporta. For the next 2 seasons, please bear with me sa aking kakulitan sa BB-mails at sa community chats. It's for our National teams.

Same goals as previous campaigns, pero may mga karagdagan tayong gagawin.

* First, and the most important thing: Try our best to Claim Gold in Asia Cup, and also Claim World Cup ticket for next season. Hopefully, ito na ang season!

* Magpost din ako ng recommended starting skills, heights at potentials ng mga rookies para sa bawat klase ng players na madalas natin makita sa U21 team (i.e. Classic Bigs, Shotblockers, Shooters, etc.). Kasama rin dito ang kanilang target skills bago sila maging 21 years old, para meron na tayong Skill Targets o reference. Tingin ko mapapadali nito ang pagdecide ng mga managers kung U21 prospect ba ang kanilang hawak, o hindi. Abang-abang sa aking post tungkol dito, within a few weeks.

* May konti rin tayong pagbabago sa training plans na nasa aking training guide, specifically sa mga U21 guards natin. Spoilers: One on One Forwards, or Guards? Alam kong kadalasan 1v1F ang tinetrain natin, pero may mga narealize tayo habang nagmamanage tayo ng U21 team. Magpost ako ng detalye tungkol dito bago matapos ang season na ito, kasama ang pag-edit ng aking training guide.

Ongoing din ang pagmail natin sa mga managers na may mga prospects. Sa mga hindi ko pa namail, at tingin nyo may hawak kayong prospect/s, maaari na kayong magmail sa akin.

At kung may mga suggestions tayo para lalong mapaunlad ang ating National teams, welcome kayong magpost dito, o sa aking BB-mail.

Good luck sa ating lahat sa susunod na 2 seasons!

Best regards,
Leo

This Post:
11
331894.2 in reply to 331894.1
Date: 5/6/2026 8:13:50 AM
Manila Ice
PPL
Overall Posts Rated:
6464
Lezzzgooooo PILIPINASSS!!!
WOOOHOOOOO

Kaya natin to!

Visit my team website! https://manila-ice.netlify.app/
This Post:
11
331894.3 in reply to 331894.2
Date: 5/6/2026 9:12:45 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Salamat kuts Mane! :D

Next week, simula na ng labanan. Napunta tayo sa Group B, kung saan kasama ulit natin ang China U21 sa group... sa pangatlong sunod na pagkakataon. :D

First Round Schedule (Manila Time):
May 11 7PM @ India U21
May 18 7PM vs Lebanon U21
May 25 7PM @ Japan U21
June 1 7PM vs China U21
June 8 7PM @ Macau U21
June 15 7PM vs Malaysia U21
** June 22 - Bye (Scrimmage) **

Para sa kaalaman ng iba, kailangan mag-Top 4 tayo sa Group B para makapasok sa Second Round.

At para naman sa mga managers ng mga mapipiling U21 players: Please keep your Game Shapes up! Bukod sa skills, ginagawa rin nating basehan ang game shape sa pagpili ng players; kung sino ang magmamaintain ng GS ng kanilang players.

Magscout ako pagkatapos ng training update sa Biyernes hanggang sa enthusiasm reset ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Maraming salamat at good luck!

- Leo

This Post:
11
331894.4 in reply to 331894.3
Date: 5/10/2026 12:28:30 PM
Pandesal
III.8
Overall Posts Rated:
11
Second Team:
Dunkstronaut
Good luck coach!

Lets go Philippines!

This Post:
00
331894.5 in reply to 331894.4
Date: 5/11/2026 8:48:58 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Big thanks boss! Your guy, Resuma, almost got a double-double earlier, 13 points and 9 assists!

This Post:
22
331894.6 in reply to 331894.5
Date: 5/11/2026 8:58:41 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 108 India U21 70 (84633)

Hindi nagpakita ng first game jitters ang ating mga bataan nang umarangkada sila sa first quarter na may 17 puntos na kalamangan, 27-10. Hindi na rin nila pinaporma ang India U21 sa mga sumunod na quarters, at nagtapos ang laban sa iskor na 108-70.

Nice contributions mula sa ating mga manlalaro na pinangunahan ni Lister Pueda na may 28 points, 5 rebounds, 2 assists at 3 blocks. Si Gonzalo Genizera naman ay may 21 points, 8 rebounds, 2 assists at 2 blocks.

13 points at 9 assists naman ang naiambag ni Paulino Resuma. Kumamada naman ng 13 points, 4 assists at 2 steals ang backup point guard na si Michael Villalino. Credits din kay Irvin Philippe Malamid sa kanyang pinamalas na laro, lalo na sa depensa, nang mag-ambag siya ng 7 points, 14 rebounds, 4 assists, 2 steals at 6 blocks.

Points: L. Pueda 28, G. Genizera 21, P. Resuma 13, M. Villalino 13

Rebounds: I.P. Malamid 14, R. Briza 10, G. Genizera 8

Assists: P. Resuma 9, I.P. Malamid 4, M. Villalino 4, B. Tuballa 4

Sunod naman nating kakalabanin ang Lebanon U21 sa ika-18 ng Mayo, 7:00 PM (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
11
331894.7 in reply to 331894.6
Date: 5/18/2026 9:30:23 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Lubnan U21 56 Philippines U21 90 (84634)

First quarter pa lamang, iniwan na ng ating mga bataan ang Lubnan U21. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa third quarter, at natapos ang laro sa iskor na 90-56. Sa ngayon, parehong may 2-0 na kartada ang Pilipinas U21 at China U21. Sa ika-1 ng Hunyo magsasalpukan ang dalawang koponan na ito.

Si Lister Pueda uli ang nanguna sa scoring para sa Pilipinas U21. Kumamada siya ng 19 points, at nagdagdag rin siya ng 5 rebounds, 4 assists, 2 steals at 4 blocks. Sinundan naman ito ni Bobby Tuballa, nang umiskor siya ng 17 points off the bench.

Nag-ambag ng 13 points at 9 assists ang ating starting Point Guard na si Michael Villalino, samantalang isang double-double performance naman ang pinakita ni Gonzalo Genizera nang mangolekta siya ng 11 points at 15 rebounds.

Points: L. Pueda 19, B. Tuballa 17, M. Villalino 13

Rebounds: G. Genizera 15, R. Cataniag 9, R. Briza 7, N. Macabuhay 7

Assists: M. Villalino 9, L. Pueda 4, R. Briza 3, P. Resuma 3

Sa ika-25 ng Mayo naman ay makakatapat natin ang Nippon U21, 7:00 PM (Manila Time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

This Post:
00
331894.8 in reply to 331894.7
Date: 5/24/2026 4:18:02 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Gumawa ako ng series ng posts regarding U21 training. Umaasa akong makakatulong ito, lalo na sa mga bagong managers natin na interesadong magtrain ng U21 prospect/s.

U21 Training FAQs Part 1: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Training FAQS Part 2: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

U21 Bigs (C/PF)Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Guards (SG/PG) Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
U21 Small Forwards (SF) Target Skills: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

Ilalagay ko rin ang mga ito sa U21 team front page natin, kaya nasa Ingles ang mga ito.

Susunod naman ang updates sa training guide. Karamihan ay updates sa mga sample builds.

Maraming salamat!

- Leo

This Post:
11
331894.9 in reply to 331894.8
Date: 5/25/2026 9:11:42 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 129 Nippon U21 91 (84637)

Shaky start para sa ating mga bataan, ngunit nakarecover sila ilang minuto bago matapos ang second quarter. Natapos ang laro sa iskor na 129-91, pabor sa Pilipinas U21. Ito ang ikatlong panalo ng Pilipinas U21 sa tatlong laro.

Sa larong ito, bench players naman ang bumida sa scoring. Tumikada ng 27 points si Claro Tubig, samantalang 22 points naman ang pinakawalan ni Carlito Debulgado. Sinundan ito nila Bobby Tuballa at Lister Pueda na may 18 at 17 points, ayon sa pagkakabanggit.

Isang impresibong double-double naman ang pinamalas ni Michael Villalino. 11 points at 13 assists ang kanyang naiambag sa larong ito. Ito naman ang unang start ni Ronaldo Cataniag, at di niya pinahiya ang kanyang mga kababayan sa kanyang 4 points, 18 rebounds, 6 assists at 4 blocks na performance.

Points: C. Tubig 27, C. Debulgado 22, B. Tuballa 18

Rebounds: R. Cataniag 18, I. P. Malamid 10, G. Genizera 7, E. Vertudes 7

Assists: M. Villalino 13, R. Cataniag 6, P. Resuma 5

Sa ika-1 ng Hunyo, maghaharap ang dalawang koponan sa Pool B na wala pang talo: Pilipinas U21 at China U21 (2-0). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 5/25/2026 8:22:34 PM

This Post:
00
331894.10 in reply to 331894.9
Date: 6/1/2026 9:16:08 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
292292
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
China U21 72 Pilipinas U21 74 (84642)

As expected, highly-contested ang salpukan ng dalawang teams na ito. Ngunit sa huli, nakaungos ang Pilipinas U21 sa iskor na 74-72. 4-0 na ang kartada ng Pilipinas U21, samantalang babagsak sa 2-1 ang China U21.

Kahit na pinahirapan siya ng depensa ng China U21, nanguna pa rin si Lister Pueda sa scoring na may 21 points. Sumunod naman si Claro Tubig na may 17 points. Dahil sa pagiging agresibo nila Pueda at Tubig sa opensa, nakakuha ng 6 fouls ang starting center ng China U21 na si Zeng Chuanlong, bago pa matapos ang first half!

Tig-17 rebounds ang nakolekta ng starting bigs ng Pilipinas U21 na sila Russell Briza at Irvin Philippe Malamid. Nagdagdag din si Briza ng 3 assists at 4 blocks.

Nag-ambag nama si Gonzalo Genizera ng 11 points at 7 rebounds off the bench. Isa rin si Paulino Resuma sa pinahirapan ng zona ng China U21. Wala siyang naipasok na field goal attempts, pero nakakuha siya ng 7 rebounds, 5 assists, 1 steal at 1 block.

Points: L. Pueda 21, C. Tubig 17, G. Genizera 11

Rebounds: R. Briza 17, I. P. Malamid 17, G. Genizera 7, P. Resuma 7

Assists: P. Resuma 5, C. Tubig 3, R. Briza 3, I. P. Malamid 3

Magtatagpo naman ang landas ng ating koponan at ng wala pang panalo na Macau U21 sa ika-8 ng Hunyo, 7:00pm (Manila time). Patuloy nating suportahan ang ating mga National Teams!

- Leo

Last edited by Leo (Pilipinas U21) at 6/1/2026 9:17:34 AM

This Post:
11
331894.11 in reply to 331894.10
Date: 6/2/2026 7:46:33 AM
Manila Ice
PPL
Overall Posts Rated:
6464
Yun o! 4-0 na hahah

Visit my team website! https://manila-ice.netlify.app/