BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
11
331894.25 in reply to 331894.24
Date: 8/16/2026 9:42:09 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Enthusiasm reset already done, kaya hindi na tayo makakapagscout ng players. Namail na rin natin ang karamihan sa mga managers ng mga upcoming U21 stars natin. Kaya sa mga di pa nagerereply sa aming mails, we really love to hear from you. Communication is key, mga bossing.

Ulitin ko rin, kung tingin nyo may trainee kayo na pang-U21, at di ko kayo namail, please make the initiative to mail. Kindly include in the mail your trainee's current skillset, at ang current trainer levels natin, o yung kaya natin kunin this season.

Sa mga naghahanap ng training guides, maaari kayong magrefer sa ating training guide at pati na rin sa U21 training FAQs:

FAQs: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...
Guide: https://www.buzzerbeater.com/community/forum/read.aspx?thr...

At ang panghuli, nag-add na tayo ng unang sampung players sa ating U21 team. Kung nagtataka kayo na may 20-year-old sa ating team ngayon pa lang, the current squad badly needs shotblocking, and he's currently one of the best shotblockers even at 20 years old. Very valuable experience na rin ito sa kanya in preparation for the U21 Asian Tourney next season.

See them in action sa ating unang laban kontra Nigeria U21 na gaganapin sa kanilang homecourt, ika-18 ng Agosto, 1:30am (PH time). Our aim this season is to stay in U21 consolation tournament for as long as possible. Good luck to our team, at pati na rin sa ating Seniors team!

Best regards,
Leo

This Post:
44
331894.26 in reply to 331894.25
Date: 8/17/2026 9:06:13 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 117 Nigeria U21 104 (85941)

Maaga man nainjure ang ating starting point guard na si Rodrigo Goh, hindi nagpatinag ang ating koponan, at sa huli, nakuha natin ang unang panalo sa consolation tournament laban sa Nigeria U21 sa iskor na 117-104.

Nanguna sa scoring si Samuel Sammy Espiritu na may 30 points. Nagdagdag din siya ng 6 rebounds at 5 assists. Sinundan naman ito ni Alfred Joseph Dolores na may 26 points.

Nakakuha naman ng double-doubles ang tatlo nating players. Una na rito ang ating starting bigs na sila Felicito Gorriceta at Errol Villoso. 13 points at 11 rebounds ang naiambag ni Gorriceta, samantalang 10 points at 16 rebounds naman ang naitala ni Villoso. Nagdagdag din ng 4 assists, 2 steals at 4 blocks si Villoso.

Humakot naman ng 12 points at 13 assists si Abundio Caro, na siyang humalili kay Goh nang mainjure ang huli.

Sunod nating makakalaban ang Bosnia i Hercegovina U21, sa ating homecourt. Ang laro ay magaganap sa ika-24 ng Agosto, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S.S. Espiritu 30, A.J. Dolores 26, F. Gorriceta 13

Rebounds: E. Villoso 16, F. Gorriceta 11, S.S. Espiritu 6, A. Caro 6

Assists: A. Caro 13, S.S. Espiritu 5, E. Villoso 4

- Leo

This Post:
33
331894.27 in reply to 331894.26
Date: 8/24/2026 8:00:38 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Bosna i Hercegovina U21 73 Philippines U21 81 (85988)

Hindi man kagandahan ang overall game shape ng ating koponan, matagumpay nating naipagtanggol ang ating homecourt nang mapatumba natin ang Bosnia U21, 81-73. 2-0 na ang Pilipinas U21 sa consolation tournament.

Sa larong ito, si Alfred Joseph Dolores ang nanguna sa scoring nang magtala siya ng 28 points. 19 points naman ang naiambag ni Rodrigo Goh, na may karagdagang 6 rebounds, 5 assists at 2 steals. Nagpamalas din ng isang all-around performance si Samuel Sammy Espiritu. 12 points, 9 rebounds at 6 assists naman ang kanyang naging kontribusyon sa larong ito.

Pawang naka-6 blocks ang ating starting bigs na sila Errol Villoso at Soeren de Vega. Pareho din silang nanguna sa rebounding nang humakot sila ng 28 total rebounds.

Belarus U21 naman ang makakalaban natin next week, sa ika-31 ng Agosto, 9:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 28, R. Goh 19, S.S. Espiritu 12

Rebounds: E. Villoso 17, S. de Vega 11, A.J. Dolores 9, S.S. Espiritu 9

Assists: S.S. Espiritu 6, R. Goh 5, A. Caro 4

- Leo

This Post:
33
331894.28 in reply to 331894.27
Date: 8/31/2026 9:02:15 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 71 Belarus U21 60 (86036)

Muli tayong sinubok ng Game Shape issues, lalo na sa ating mga bigmen, ngunit nagawa pa rin nating maisalba ang panalo sa road game na ito kontra Belarus U21, 71-60. 3-0 na ang win-loss record ng Pilipinas sa torneong ito.

Tig-17 points ang naiambag ng ating mga lead guards na sila Rodrigo Goh at Alfred Joseph Dolores. Ang bagong addition sa team na si Rustico Ehimplar ay nakapagtala naman ng 14-point, 10-rebound na double-double.

Patuloy naman ang pagpapakitang-gilas ni Errol Villoso sa depensa at rebounding. 10 rebounds, 3 assists at 3 blocks naman ang kanyang naging kontribusyon sa larong ito.

Sa susunod na linggo, ika-7 ng Setyembre, 5:30pm (PH time), babalik tayo sa ating homecourt upang sagupain ang koponan ng Norge (Norway) U21. Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: R. Goh 17, A.J. Dolores 17, R. Ehimplar 14

Rebounds: R. Ehimplar 10, E. Villoso 10, S. de Vega 8

Assists: R. Goh 3, E. Villoso 3, A. Caro 2, S. Hiquiana 2

- Leo

This Post:
33
331894.29 in reply to 331894.28
Date: 9/7/2026 6:35:21 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Norge U21 0 Philippines U21 50 (86064)

Dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan dito sa Pilipinas, hindi na tinuloy ng Norway U21 team ang kanilang flight, kaya panalo tayo by default, 50-0. 4-0 na ang ating win-loss record.

Sa susunod na linggo, ika-15 ng Setyembre, 7:00am (PH time), tayo ay bibisita sa Puerto Rico upang kalabanin ang kanilang U21 team. Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

- Leo

This Post:
22
331894.30 in reply to 331894.29
Date: 9/14/2026 8:58:57 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 105 Puerto Rico U21 58 (86113)

Maagang binaon ng Pilipinas U21 ang Puerto Rico U21. 60-35 ang naging halftime score, pabor sa Pilipinas U21. Lalong namaga ang kalamangan na ito nang malimitahan ng ating koponan ang Puerto Rico U21 sa third quarter, 22-6. Nagtapos ang laban sa iskor na 105-58 upang makuha ng Pilipinas U21 ang ika-limang panalo sa torneong ito.

Anim na players ang umiskor ng double digits sa larong ito, na pinangunahan ni Alfred Joseph Dolores na may 23 points. Sinundan ito nila Samuel Sammy Espiritu na may 16 points, at 15 points naman ang inambag ni Japs Lubaton, off the bench.

Bibisita naman ang Venezuela U21 sa ating homecourt sa susunod na linggo, ika-21 ng Setyembre, 5:30pm (PH time).

May mga slots pa tayo sa ating koponan, kaya kung may player kayo na tingin nyo deserving na mapabilang sa ating koponan, maaari nyo akong imail, kasama ang current skillset ng player, ang inyong training plan, at commitment na magmaintain ng disenteng Game Shape.

Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 23, S.S. Espiritu 16, J. Lubaton 15

Rebounds: S.S. Espiritu 9, E. Villoso 9, R. Ehimplar 7, R. Mascardo 7

Assists: R. Goh 6, A. Caro 5, S.S. Espiritu 4, R. Casalmir 4, J. Ty 4

- Leo

This Post:
22
331894.31 in reply to 331894.30
Date: 9/21/2026 7:36:56 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Venezuela U21 34 Philippines U21 87 (86152)

Nakuha ng ating mga bataan ang ika-anim na panalo matapos natin limitahan ang Venezuela U21 sa 34 points lamang, 87-34.

Nanguna sa scoring sila Samuel Sammy Espiritu na may 16 points, at Alfred Joseph Dolores na meron namang 13 points.

Impresibo naman ang pinakita ng ating starting Point Guard na si Jeremy Ty sa kanyang ikalawang start sa torneong ito. Nakapag-ambag siya ng 12 points, 4 assists, at ang nakakamanghang 14 rebounds!

Kudos kay Rex Casalmir sa pinakita niyang matinding depensa, 8 tira lang naman ang sinupalpal niya. Dinagdagan niya rin ito ng 10 points at 11 rebounds para sa isang double-double.

Bagama't hindi naging maganda ang simula ni Lyndon Pakingking bilang first-time starter, nakapagtala pa rin siya ng isang solid na double-double performance sa pagtatapos ng larong ito: 10 points at 17 rebounds, na may karagdagang 2 steals at 3 blocks.

Sa susunod na linggo, sa ika-28 ng Setyembre, 9:30pm (PH time), tayo naman ang bibisita sa Georgia (Sakartvelo) upang kalabanin ang Sakartvelo U21. Sa ngayon, 1-4 ang kanilang kartada.

Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S.S. Espiritu 16, A.J. Dolores 13, J. Ty 12, A. Caro 12

Rebounds: L. Pakingking 17, J. Ty 14, R. Casalmir 11

Assists: A.J. Dolores 4, J. Ty 4, R. Goh 3

- Leo

This Post:
11
331894.32 in reply to 331894.31
Date: 9/28/2026 9:35:17 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 95 Sakartvelo U21 46 (86193)

Muling pinakita ng ating U21 team ang kanilang pangil sa depensa nang kanilang limitahan ang opensa ng Sakartvelo U21, 95-46. Dahil sa panalong ito, nananatiling malinis ang win-loss record ng Pilipinas U21, kasama ang pito pang koponan.

Off the bench, 17 points ang pinakawalan ni Rodrigo Goh upang pangunahan ang ating koponan sa scoring. Nag-ambag naman ng 16 points si Alfred Joseph Dolores, samantalang 15 points naman ang nagawa ni Japs Lubaton bilang first-time starter. Meron din tig-4 assists sila Goh at Dolores.

Maganda naman ang pinakita nila Felicito Gorriceta at Soeren de Vega sa depensa at rebounding. Nakapagtala ng 6 points, 10 rebounds, 2 steals at 2 blocks si Gorriceta, samantalang 14 rebounds, 3 steals at 1 block naman ang nagawa ng ating starting Center na si de Vega.

Para sa ating huling laban bago ang knockout rounds, ating makakalaban ang New Zealand U21 sa ating homecourt sa ika-5 ng Oktubre, 5:30 PM (PH Time).

Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: R. Goh 17, A.J. Dolores 16, J. Lubaton 15

Rebounds: S. de Vega 14, F. Gorriceta 10, E. Villoso 10

Assists: A. Caro 5, A.J. Dolores 4, R. Goh 4

- Leo

This Post:
11
331894.33 in reply to 331894.32
Date: 10/5/2026 8:14:01 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
New Zealand U21 53 Philippines U21 119 (86229)

Mananatiling malinis ang record ng Pilipinas U21 sa Consolation Tournament matapos nilang talunin ang New Zealand U21 sa ating homecourt, 119-56.

Pinangunahan nila Alfred Joseph Dolores at Felicito Gorriceta ang scoring para sa ating koponan, at nagawa nila ito off-the-bench. 21 points, 4 rebounds, 4 assists, 1 steal, at 2 blocks ang nagawa ni Dolores, samantalang 14 points, 13 rebounds, 2 steals, at 1 block naman ang inambag ni Gorriceta.

Hindi lang depensa ang kontribusyon ni Rex Casalmir sa larong ito, nakascore din siya ng 15 points, dagdag ito sa kanyang 10 rebounds, 3 assists at 4 blocks.

37 total assists ang nakalap ng buong koponan, sa pangunguna nila Abundio Caro na may 9 assists, at Rodrigo Goh na may 8 assists.

Atin namang hihintayin kung sino ang makakalaban natin sa susunod na linggo sa simula ng knockout rounds, kaya patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 21, F. Gorriceta 20, R. Casalmir 15

Rebounds: L.G. Saludar 13, F. Gorriceta 13, J. Lubaton 12

Assists: A. Caro 9, R. Goh 8, J. Lubaton 4, A.J. Dolores 4, S.S. Espiritu 4

- Leo

This Post:
22
331894.34 in reply to 331894.33
Date: 10/12/2026 8:00:33 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Guatemala U21 47 Philippines U21 83 (86520)

Sa unang knockout game ng torneong ito, nilaglag ng Pilipinas U21 ang Guatemala U21 sa iskor na 83-47. Ang sunod na makakalaban natin ay ang mananalo sa laban ng 18th-ranked England U21 at 15th-ranked Scotland U21, na magaganap mamaya.

Nanguna sa scoring si Sigmundo Hiquiana na may 19 points. Sinundan ito ni Alfred Joseph Dolores na may 13 points.

11-point, 10-rebound double-double naman ang kontribusyon ni Felicito Gorriceta sa larong ito. Samantala, 8 points at 8 assists naman ang ginawa ni Abundio Caro.

Sa depensa, anim na tapal ang nagawa ni Errol Villoso, at lima naman ang kay Rex Casalmir. Nag-ambag din si Casalmir ng 9 points at 11 rebounds.

Magaganap muli ang ating sunod na laban sa ating homecourt, sa ika-19 ng Oktubre, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S. Hiquiana 19, A.J. Dolores 13, F. Gorriceta 11

Rebounds: R. Casalmir 11, F. Gorriceta 10, E. Villoso 9

Assists: A. Caro 8, J. Lubaton 5, R. Goh 3

- Leo

This Post:
11
331894.35 in reply to 331894.34
Date: 10/12/2026 5:09:02 PM
Glasgow Blue Jays
ESL
Overall Posts Rated:
216216
Second Team:
Colorado Rattlers
What a season you guys are having Leo!

See you next Monday!

Training a player who you think could make our u21 National Team? Message me to check in with progress towards the team.
Advertisement