BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
33
331894.26 in reply to 331894.25
Date: 8/17/2026 9:06:13 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 117 Nigeria U21 104 (85941)

Maaga man nainjure ang ating starting point guard na si Rodrigo Goh, hindi nagpatinag ang ating koponan, at sa huli, nakuha natin ang unang panalo sa consolation tournament laban sa Nigeria U21 sa iskor na 117-104.

Nanguna sa scoring si Samuel Sammy Espiritu na may 30 points. Nagdagdag din siya ng 6 rebounds at 5 assists. Sinundan naman ito ni Alfred Joseph Dolores na may 26 points.

Nakakuha naman ng double-doubles ang tatlo nating players. Una na rito ang ating starting bigs na sila Felicito Gorriceta at Errol Villoso. 13 points at 11 rebounds ang naiambag ni Gorriceta, samantalang 10 points at 16 rebounds naman ang naitala ni Villoso. Nagdagdag din ng 4 assists, 2 steals at 4 blocks si Villoso.

Humakot naman ng 12 points at 13 assists si Abundio Caro, na siyang humalili kay Goh nang mainjure ang huli.

Sunod nating makakalaban ang Bosnia i Hercegovina U21, sa ating homecourt. Ang laro ay magaganap sa ika-24 ng Agosto, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S.S. Espiritu 30, A.J. Dolores 26, F. Gorriceta 13

Rebounds: E. Villoso 16, F. Gorriceta 11, S.S. Espiritu 6, A. Caro 6

Assists: A. Caro 13, S.S. Espiritu 5, E. Villoso 4

- Leo

This Post:
11
331894.27 in reply to 331894.26
Date: 8/24/2026 8:00:38 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
344344
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Bosna i Hercegovina U21 73 Philippines U21 81 (85988)

Hindi man kagandahan ang overall game shape ng ating koponan, matagumpay nating naipagtanggol ang ating homecourt nang mapatumba natin ang Bosnia U21, 81-73. 2-0 na ang Pilipinas U21 sa consolation tournament.

Sa larong ito, si Alfred Joseph Dolores ang nanguna sa scoring nang magtala siya ng 28 points. 19 points naman ang naiambag ni Rodrigo Goh, na may karagdagang 6 rebounds, 5 assists at 2 steals. Nagpamalas din ng isang all-around performance si Samuel Sammy Espiritu. 12 points, 9 rebounds at 6 assists naman ang kanyang naging kontribusyon sa larong ito.

Pawang naka-6 blocks ang ating starting bigs na sila Errol Villoso at Soeren de Vega. Pareho din silang nanguna sa rebounding nang humakot sila ng 28 total rebounds.

Belarus U21 naman ang makakalaban natin next week, sa ika-31 ng Agosto, 9:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 28, R. Goh 19, S.S. Espiritu 12

Rebounds: E. Villoso 17, S. de Vega 11, A.J. Dolores 9, S.S. Espiritu 9

Assists: S.S. Espiritu 6, R. Goh 5, A. Caro 4

- Leo