BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
22
331894.31 in reply to 331894.30
Date: 9/21/2026 7:36:56 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Venezuela U21 34 Philippines U21 87 (86152)

Nakuha ng ating mga bataan ang ika-anim na panalo matapos natin limitahan ang Venezuela U21 sa 34 points lamang, 87-34.

Nanguna sa scoring sila Samuel Sammy Espiritu na may 16 points, at Alfred Joseph Dolores na meron namang 13 points.

Impresibo naman ang pinakita ng ating starting Point Guard na si Jeremy Ty sa kanyang ikalawang start sa torneong ito. Nakapag-ambag siya ng 12 points, 4 assists, at ang nakakamanghang 14 rebounds!

Kudos kay Rex Casalmir sa pinakita niyang matinding depensa, 8 tira lang naman ang sinupalpal niya. Dinagdagan niya rin ito ng 10 points at 11 rebounds para sa isang double-double.

Bagama't hindi naging maganda ang simula ni Lyndon Pakingking bilang first-time starter, nakapagtala pa rin siya ng isang solid na double-double performance sa pagtatapos ng larong ito: 10 points at 17 rebounds, na may karagdagang 2 steals at 3 blocks.

Sa susunod na linggo, sa ika-28 ng Setyembre, 9:30pm (PH time), tayo naman ang bibisita sa Georgia (Sakartvelo) upang kalabanin ang Sakartvelo U21. Sa ngayon, 1-4 ang kanilang kartada.

Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S.S. Espiritu 16, A.J. Dolores 13, J. Ty 12, A. Caro 12

Rebounds: L. Pakingking 17, J. Ty 14, R. Casalmir 11

Assists: A.J. Dolores 4, J. Ty 4, R. Goh 3

- Leo

This Post:
11
331894.32 in reply to 331894.31
Date: 9/28/2026 9:35:17 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Philippines U21 95 Sakartvelo U21 46 (86193)

Muling pinakita ng ating U21 team ang kanilang pangil sa depensa nang kanilang limitahan ang opensa ng Sakartvelo U21, 95-46. Dahil sa panalong ito, nananatiling malinis ang win-loss record ng Pilipinas U21, kasama ang pito pang koponan.

Off the bench, 17 points ang pinakawalan ni Rodrigo Goh upang pangunahan ang ating koponan sa scoring. Nag-ambag naman ng 16 points si Alfred Joseph Dolores, samantalang 15 points naman ang nagawa ni Japs Lubaton bilang first-time starter. Meron din tig-4 assists sila Goh at Dolores.

Maganda naman ang pinakita nila Felicito Gorriceta at Soeren de Vega sa depensa at rebounding. Nakapagtala ng 6 points, 10 rebounds, 2 steals at 2 blocks si Gorriceta, samantalang 14 rebounds, 3 steals at 1 block naman ang nagawa ng ating starting Center na si de Vega.

Para sa ating huling laban bago ang knockout rounds, ating makakalaban ang New Zealand U21 sa ating homecourt sa ika-5 ng Oktubre, 5:30 PM (PH Time).

Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: R. Goh 17, A.J. Dolores 16, J. Lubaton 15

Rebounds: S. de Vega 14, F. Gorriceta 10, E. Villoso 10

Assists: A. Caro 5, A.J. Dolores 4, R. Goh 4

- Leo

This Post:
11
331894.33 in reply to 331894.32
Date: 10/5/2026 8:14:01 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
New Zealand U21 53 Philippines U21 119 (86229)

Mananatiling malinis ang record ng Pilipinas U21 sa Consolation Tournament matapos nilang talunin ang New Zealand U21 sa ating homecourt, 119-56.

Pinangunahan nila Alfred Joseph Dolores at Felicito Gorriceta ang scoring para sa ating koponan, at nagawa nila ito off-the-bench. 21 points, 4 rebounds, 4 assists, 1 steal, at 2 blocks ang nagawa ni Dolores, samantalang 14 points, 13 rebounds, 2 steals, at 1 block naman ang inambag ni Gorriceta.

Hindi lang depensa ang kontribusyon ni Rex Casalmir sa larong ito, nakascore din siya ng 15 points, dagdag ito sa kanyang 10 rebounds, 3 assists at 4 blocks.

37 total assists ang nakalap ng buong koponan, sa pangunguna nila Abundio Caro na may 9 assists, at Rodrigo Goh na may 8 assists.

Atin namang hihintayin kung sino ang makakalaban natin sa susunod na linggo sa simula ng knockout rounds, kaya patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 21, F. Gorriceta 20, R. Casalmir 15

Rebounds: L.G. Saludar 13, F. Gorriceta 13, J. Lubaton 12

Assists: A. Caro 9, R. Goh 8, J. Lubaton 4, A.J. Dolores 4, S.S. Espiritu 4

- Leo

This Post:
22
331894.34 in reply to 331894.33
Date: 10/12/2026 8:00:33 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Guatemala U21 47 Philippines U21 83 (86520)

Sa unang knockout game ng torneong ito, nilaglag ng Pilipinas U21 ang Guatemala U21 sa iskor na 83-47. Ang sunod na makakalaban natin ay ang mananalo sa laban ng 18th-ranked England U21 at 15th-ranked Scotland U21, na magaganap mamaya.

Nanguna sa scoring si Sigmundo Hiquiana na may 19 points. Sinundan ito ni Alfred Joseph Dolores na may 13 points.

11-point, 10-rebound double-double naman ang kontribusyon ni Felicito Gorriceta sa larong ito. Samantala, 8 points at 8 assists naman ang ginawa ni Abundio Caro.

Sa depensa, anim na tapal ang nagawa ni Errol Villoso, at lima naman ang kay Rex Casalmir. Nag-ambag din si Casalmir ng 9 points at 11 rebounds.

Magaganap muli ang ating sunod na laban sa ating homecourt, sa ika-19 ng Oktubre, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S. Hiquiana 19, A.J. Dolores 13, F. Gorriceta 11

Rebounds: R. Casalmir 11, F. Gorriceta 10, E. Villoso 9

Assists: A. Caro 8, J. Lubaton 5, R. Goh 3

- Leo

This Post:
11
331894.35 in reply to 331894.34
Date: 10/12/2026 5:09:02 PM
Glasgow Blue Jays
ESL
Overall Posts Rated:
216216
Second Team:
Colorado Rattlers
What a season you guys are having Leo!

See you next Monday!

Training a player who you think could make our u21 National Team? Message me to check in with progress towards the team.
This Post:
22
331894.36 in reply to 331894.35
Date: 10/12/2026 5:41:01 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Thanks! You guys also doing a great job this season.

Looking forward to our game on Monday.