BuzzerBeater Forums

BB Philippines > Pilipinas U21 Season 72 & 73

Pilipinas U21 Season 72 & 73

Set priority
Show messages by
This Post:
11
331894.33 in reply to 331894.32
Date: 10/5/2026 8:14:01 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
New Zealand U21 53 Philippines U21 119 (86229)

Mananatiling malinis ang record ng Pilipinas U21 sa Consolation Tournament matapos nilang talunin ang New Zealand U21 sa ating homecourt, 119-56.

Pinangunahan nila Alfred Joseph Dolores at Felicito Gorriceta ang scoring para sa ating koponan, at nagawa nila ito off-the-bench. 21 points, 4 rebounds, 4 assists, 1 steal, at 2 blocks ang nagawa ni Dolores, samantalang 14 points, 13 rebounds, 2 steals, at 1 block naman ang inambag ni Gorriceta.

Hindi lang depensa ang kontribusyon ni Rex Casalmir sa larong ito, nakascore din siya ng 15 points, dagdag ito sa kanyang 10 rebounds, 3 assists at 4 blocks.

37 total assists ang nakalap ng buong koponan, sa pangunguna nila Abundio Caro na may 9 assists, at Rodrigo Goh na may 8 assists.

Atin namang hihintayin kung sino ang makakalaban natin sa susunod na linggo sa simula ng knockout rounds, kaya patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: A.J. Dolores 21, F. Gorriceta 20, R. Casalmir 15

Rebounds: L.G. Saludar 13, F. Gorriceta 13, J. Lubaton 12

Assists: A. Caro 9, R. Goh 8, J. Lubaton 4, A.J. Dolores 4, S.S. Espiritu 4

- Leo

This Post:
22
331894.34 in reply to 331894.33
Date: 10/12/2026 8:00:33 AM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Guatemala U21 47 Philippines U21 83 (86520)

Sa unang knockout game ng torneong ito, nilaglag ng Pilipinas U21 ang Guatemala U21 sa iskor na 83-47. Ang sunod na makakalaban natin ay ang mananalo sa laban ng 18th-ranked England U21 at 15th-ranked Scotland U21, na magaganap mamaya.

Nanguna sa scoring si Sigmundo Hiquiana na may 19 points. Sinundan ito ni Alfred Joseph Dolores na may 13 points.

11-point, 10-rebound double-double naman ang kontribusyon ni Felicito Gorriceta sa larong ito. Samantala, 8 points at 8 assists naman ang ginawa ni Abundio Caro.

Sa depensa, anim na tapal ang nagawa ni Errol Villoso, at lima naman ang kay Rex Casalmir. Nag-ambag din si Casalmir ng 9 points at 11 rebounds.

Magaganap muli ang ating sunod na laban sa ating homecourt, sa ika-19 ng Oktubre, 5:30pm (PH time). Patuloy nating suportahan ang ating National Teams!

Points: S. Hiquiana 19, A.J. Dolores 13, F. Gorriceta 11

Rebounds: R. Casalmir 11, F. Gorriceta 10, E. Villoso 9

Assists: A. Caro 8, J. Lubaton 5, R. Goh 3

- Leo

This Post:
11
331894.35 in reply to 331894.34
Date: 10/12/2026 5:09:02 PM
Glasgow Blue Jays
ESL
Overall Posts Rated:
216216
Second Team:
Colorado Rattlers
What a season you guys are having Leo!

See you next Monday!

Training a player who you think could make our u21 National Team? Message me to check in with progress towards the team.
This Post:
22
331894.36 in reply to 331894.35
Date: 10/12/2026 5:41:01 PM
Laguna Buko Mixers
PPL
Overall Posts Rated:
364364
Second Team:
Laguna Bay Mantarays
Thanks! You guys also doing a great job this season.

Looking forward to our game on Monday.